Tuesday, July 14, 2009

Panukala sa pagbabago ng LC

Bukluran ng Manggagawang Pilipino-CALABARZON
SUPPORT AND AMMEND HOUSE BILL 2728
(LABOR CODE AMENDMENTS)

Baguhin ang Labor Code para sa Proteksyon sa Paggawa:

1. On Employment and Security of Employment (SOT)
2. On Self Organization and CBA
3. On Strike Law
4. On AJ
5. On Wage Increase
6. On Closure/Shutdown/Dissolution
7. On Indibidual Dismissal of Employees

RASYUNALE:

Ang mga karapatan ng mga manggagawa ayon sa Saligang Batas ng ating bansa na pinagtibay noong 1987, matapos maalis ang Martial Law, maganap ang Peoples Power sa EDSA, maibagsak si Marcos at maupo bilang pangulo si Ginang Corazon Aquino.

Ayon sa Art. 13 Sec. 3 ng ating 1987 Phils. Constitution: Deklarado ng estado na ang mga MANGGAGAWANG PILIPINO ang pangunahing pwersang pang-ekonomiya ng bansa. Dahil dito bibigyan ng sapat at buo-buong PROTEKSYON ang mga manggagawang Pilipino sa loob at labas man ng bansa. Kabilang sa pinuprotektahang mga karapatan ang mga sumusunod: a. Right to decent Employment b. Right to Security Of Tenure (SOT) c. Right to Organize d. Right to Collective Bargaining (CBA) e. Right to Concerted Action (Strike) f. Right to human condition of work and to aim Living Wage

ON LABOR : Section 3 : “The State shall afford full protection to labor, local and overseas, organize and un-organize, and promote full employment and equality of employment opportunities for all.”

“ It shall guarantee the rights of all workers to;
 Self Organization
 Collective Bargaining and Negotiations
 Peaceful Concerted Activities, including the right to Strike in accordance with law.
“They shall be entitle to;
 Security of Tenure
 Human Conditions of Work and a
 Living Wage
“They shall;
 Participate in Policy and Decision Making Processes Affecting their Right and Benefits
“The State shall promote the principle of SHARED RESPONSIBILITY between workers and employers and the preferential use of voluntary modes in settling disputes, including conciliation xxx…
“The State shall regulate the relation between workers and employers, recognizing;
 the right of labor to its just share in the fruits of production
 and the rights of enterprise to
- reasonable return on investment,
- to expansion, and
- growth

1. ON RIGHT TO DECENT EMPLOYMENT AND S. O. T.:

Sa kasalukuyan ay matindi na ang diskreminasyon sa pag-eempleyo. Ginagawang hanap buhay na ng ilang indibidual na tao ang paghahanap ng empleyo o pamamasukan ng mga manggagawa. Laganap na ang mga LOC na labag sa batas ayon sa Art. 106 ng Labor Code.. Dagdag pa, ang dami nang itinatakdang rekisito ng mga kapitalista/management sa pagtanggap ng empleyado. Nariyan ang Age Limit (18-25 year old), Personalidad (may itsura, matangkad, kaakit-akit) College Graduate. Talamak ang gawi ng mga kapitalistang ito sa area ng Calabarzon (mga Industrial Park/Centers) at mga Commercials Centers na kung tutuusin labag ito sa ating Saligang Batas at Batas Paggawa.

Dahil dito, ang tindig ng Partido ng Manggagawa at aming unyon ay ang mga sumusunod:

1. Ibatay sa uri ng trabahong kailangan gampanan ng empleyado ang pagtanggap. Hindi sa mga nabanggit sa itaas.
2. Kapag napatunayang Karaniwan, Natatangi at Kinakailanga sa arawang negosyo ng kompanya ang uri ng trabahong ginagampanang ng isang empleyado, Dapat, Regular na Employee ang kanyang kategorya sa trabaho. xxx an employment shall be deemed to be regular where the employees has been engaged to perform activities which are usually necessary or desirable in the usual business or trade of the employer xxx Art. 280 Labor Code.
3. Ganap at walang pasubaling ipagbawal ang LOC. Isabatas ang parusang (anim na buwan pagkabilanggo) mga kapitalistang napatunayang nagsasagawa ng LOC. XXX There is “Labor only” contracting where the person supplying workers to an employer does not have substantial capital or investment in the form of tools, equipment, machineries, work premises, among others, and the workers recruited an placed by such person are performing activities which are directly related to the principal business of such employer XXX Art. 106 Labor Code.
4. Ang sinumang manggagawa/empleyado na kinasuhan sa trabaho na naghain ng Grievance, reklamong ULP sa alin mang sangay ng DOLE at nananatiling dinidinig ay hindi siya dapat tanggalin sa trabaho hanggat walang finality order ang kurte. xxx employee includes any person in the employ of an employer. The term shall not be limited to the employees of a particular employer. It shall includes any individual whose work has ceased as a result of or in connection with any current labor dispute or because of any unfair labor practice if he has not obtained any other substantially equivalent and regular employment. Xxx Art. 212 (f) Labor Code.
5. Ang sinumang manggagawa/empleyado na mag-organisa, sumali sa unyon o gimaganap ng union activities ay hindi dapat kasuhan ng employer. xxx Any employees, whethere employed for a definite period or not, shall begining on his first day of service, be consedered an employee for purposes of membership in any labor union. Xxx Art. 277 © Labor Code.

2. ON RIGHT TO SELF ORGANIZATION (Union Building & Recognation as SEBA) and Collective Bargaining (CB).

1. Alisin ang NO Union Option sa mga Certification Election (CE)
2. Sa mga pabrika/establishment na wala pang umiiral na unyon, matapos magpasya ang 20% ng mga manggagawa/empleyado nito na magtayo ng unyon, matapos silang makakuha ng union registration sa BLR-DOLE ay sapat na para kilalanin ng management ng kumpanya ang kanilang unyon bilang Sole and Exclusive Bargaining Agent (SEBA). Wala ng magaganap na Certification Election (CE). Maliban kung may natayo na isa pang unyon na labas sa kanilang hanay at maghahain ng Petition for Certification Election (PCE). Art. 234 Labor Code. Any applicant labor organization, association or group of unions or workers shall acquire legal personality and shall be entitled to the right and privileges granted by law to legitimate labor organization upon issuance of the certificate of registration based on that following requirements ;

a. P50.00 registration fee;

b. The names of its officers, their addresses, the principal address of the labor organization, the minutes of the organizational meetings and the list of the workers who participated in such meetings;

c. The names of its members comprising at lest twenty percent (20%) of all the employees in the bargaining unit where it seeks to operate;

d. If the applicant union has been in existence for one or more years, copies of its annual financial reports; and

e. Four (4) copies of the constitution and by-laws of the applicant union, minutes of its adoption or ratification, and the lest of the members who participated in it.

3. Baguhin ang 5 years terms of representation and CBA ng Art. 253. Gawing 3 year na lamang. Para hindi nasasagkaan ang demokrasya sa unyon at karapatan nitong makipagtawaran.. xxx The duty to bargain collectively means the performance of a mutual obligation to meet and convene promptly and expeditiously in good faith for the purpose of negotiating an agreement with respect to wage hours of work and all other terms and condition of employment including proposal for adjusting any grievances or questions arising under such agreement and executing a contract incorporating such agreement if requested by either party but such duty does not compel any party to agree to a proposal or to make any concession xxx Art. 252 Labor Code.

3. ON RIGHT TO STRIKE

Maliwanag na Konstitusyunal na karapatan ng mga manggagawang Pilipino at ng buong daigdig ang mag-welga. Bilang natatanging at huling sandata nila laban sa kanilang katunggaling kapitalista na higit na nangingibabaw ang kanilang kapangyarihan sa lipunan. Nasa kanila ang salapi, impluwensya sa gobyerno at mga batas, mag-upa ng mga tao para sagkaan at supilin ang karapatan ng mga manggagawa. Kapag inalis at sinagkaan pa natin ang Konstitusyunal na karapatang ito ng mga manggagawa, wala ng matitirang karapatan o sandata ang mga manggagawa laban sa kanilang katunggaling uri sa lipunan.

Dahil dito, hiling naming na baguhin ang Art. 263 at 264 ng kasalukuyang Labor Code.

1. Alisin ang Paragraph (g) sa Art. 263. (Assumption of Jurisdiction) Nasa hiwalay na papel ang aming paliwanag dito.
2. Alisin ang “Free ingress to or egress from” sa Art. 264. Dahil, gaya din ng AJ, isa ito sa pinagmumulan ng mga kaguluhan at karahasan sa mga piketline o welga ng mga manggagawa. Una; Ito ang kalimitang ginagamit ng mga kapitalista para mag-upa ng mga taong tagalabas para hakutin ang mga produkto, makina, raw material mula sa loob ng pabrika para ipagawa o gawin sa ibang lugar.Ikalawa; Ito din ang ginagamit na paraan para mabutasan ang mga welgista na makasuhan ng criminal (kasong, malicious mischief, grave treat at kung anu-ano pa) kaya ang kalimitang nagyayari, mula sa purely labor dispute o labor cases, natatransporma ang usapin sa criminal cases. Patay na naman ang mga manggagawa dito. Pinagkaitan na ng sweldo, trabaho, makukulong pa. Dahil wala naming pera na pang pyansa.
3. Alisin ang “Cooling of Period” na 15 to 30 days bar to strike at 7 days period submit ion of strike vote result to NCMB before strike.Dahil, Una; kalimitan ito ang mga panahong ginugugol ng mga kapitalista/employer na hakutin/ilipat ang kanilang mga produkto, makina,gawa sa ibang lugar. Sa layunin nilang tumuloy man sa welga ang mga mangagawa tuloy parin ang kanilang produksyon, negosyo. Sa suma wala ng saysay ang welga ng mga manggagawa. Gutom ang mga manggagawa, sa kabilang banda nagtatampisaw sa karangyaan, halakhak at kagalakan ang kapitalista. Dahil tuloy-tuloy pa din naman ang kanilang operasyon at TUBO. Ikalawa: Kung ang layunin naman ng 15-30 days Cooling of period ay para determinahin ang issue, establisado na ang issue. Dahil
bago pa man maghain ng NOS ang unyon ay dumaan na ito sa maraming ulit na Grievance at Negotiation sa loob ng planta. Halimbawa; sa issue ng CBA Negotiation Deadlock. Bago magka-deadlock ay maraming ulit na ang negosasyong naganap.

Ang aming pananaw at paninindigan ukol sa usapin ng welga ay huling sandata naming mga manggagawa ito. Responsible naming ginagamit ito, hindi bara-bara. Ginagamit naming ito kung dumadating na na sandal na kami sa pader. Hiondi naming ito isinasagawa ng choice o kursunada lang namin. Ito ay sampung ulit naming pinag-iisipan bago isagawa. Dahil buhay at kamatayan naming mga manggagawa sampu ng aming mga pamilya ang nakatay dito.

Naniniwala kami, na dapat talaga ay may regulasyong isasagawa at susundin sa welga, pero mali ang hadlangan at sagkaan ito (Regulate only not Curtailment of our right).

Ang aming tindig, sapat na ang paghahain ng Notice Of Strike (NOS) at Strike Voting ng mayoryang kasapian ng unyon bilang rekisito bago ang aktwal na welga. Wala ng iba pa. Para magkaroon naman kaming mga manggagawa ng “gulpi de gulat” na dating sa mga kapitalista. Gaya ng ginagawa nila sa amin kadalasan. Nagugulat na lamang kami kinabukasan tanggal na pala kami sa trabaho. Gaya ng nangyari sa mga kapatid naming manggagawa sa Novelty Phils. Inc. at iba pa.

4. ON AJ: Bakit kailangang pawalang-bisa ang AJ?

Bago ipataw ang Batas Militar, hindi ganito mahigpit ang regulasyon ng batas para makapagwelga. Noong Batas Militar ni Marcos, ibinawal ang welga. Nang lumaon, kunwari ay lumuwag ang batas militar, nilimitahan ang pagwewelga. Lahat ng vital industries ay bawal pagwelgahan. Kung anong kumpanya ang nabibilang sa vital industry ay si Marcos lang ang nakakaalam. Kaya kapag nagwelga ang mga gumagawa ng taho, pag sinabi ni Marcos na vital industry ito, oorderan ka na ng back-to-work.

Ngayon pwedeng magwelga kahit anong industriya basta’t ayon sa batas. Pero pwedeng pakialaman sa pamamagitan ng AJ ng Kalihim ng Paggawa o Pangulo ng bansa kung sa tingin ng kalihim o pangulo, ang pinagwelgahang o balak pa lang pagwelgahang industriya ay indispensable o napakahalaga sa kapakanan ng bansa. Kung ano ang kabilang sa kategoryang ito ay hindi nakasaad sa batas. At ito ang isang daya sa batas na ito, kagaya ng kay Marcos. Ito ay ibabatay lang sa opinyon ng Kalihim o Pangulo. Kapag pinagwelgahan ang isang gawaan ng patis at sinabi ng Kalihim o ng Pangulo na ito’y napakahalaga sa kapakanan ng bansa pwede na silang makialam at mag-isyu ng AJ na nag-uutos na huwag magwelga bago pa man makapagwelga o itigil ang welga at bumalik sa trabaho.

Ito’y talamak na pagsupil hindi lang sa right to strike kundi sa right to collectively bargain. Sapagkat ang welga ay karugtong ng ating karapatang makipagnegosasyon o pilitin ang kapitalistang ibigay ang ating kahilingan.

Sa kaso ng CBA, kapag sumunod ang manggagawa sa AJ, ang magpapasya na kung magkano ang makukuha sa CBA ay ang Kalihim ng Paggawa o ang Komisyon. Inagaw na nila ang ating karapatang makipag-CBA.

Kapag itinuloy ang welga, na nangangahulugan ng di pagsunod sa utos ng Kalihim o ng Pangulo, ito ay itinuturing na iligal. Kahit pa natupad mo ang lahat ng rekisitos at proseso ng batas na sila rin ang may gawa para pahirapin ang paglulunsad ng welga. Matapos kang padaanin sa butas ng karayom para lang makapagwelga, sa dulo ay pagbabawalan ka rin.
Ano ang mangyayari kapag nilabag mo ang utos na huwag magwelga o itigil na ang welga at bumalik na sa trabaho na siyang laging laman ng AJ?

Ang paglabag sa AJ ay itinuturing na isang iligal na gawain. At ang parusa ay ang mga sumusunod:
Una. Pwedeng tanggalin sa trabaho ang lahat ng sumuway sa AJ. Ginawang ligal ng AJ ang union busting na dating iligal.

Ikalawa. Pwede ng palitan ng bagong empleyado ang mga welgistang di sumunod sa AJ. Ginawang ligal ng AJ ang pag-eempleyo ng mga iskirol na pamalit sa mga welgista. Dati itong bawal pero dahil sa AJ, ito’y naging ligal.

Sa una at ikalawa, dalawang konstitusyunal na karapatan ang binalewala o sinupil ng AJ dito--ang right to Security of Tenure at right to self-organization.

Ikatlo. Pwede silang pagbayarin ng kapitalista ng danyos sa perhuwisyong ibinunga ng welga. At walang matatanggap na benepisyo sa kanyang pagkakatanggal ang manggagawang lumabag sa AJ.

Ikaapat. Pwedeng ipakansela ang rehistro ng unyon o pederasyon. Pagsupil din ito sa right to self-organization.

Ikalima. Pwedeng kuhanin ng Kalihim o Pangulo ang tulong ng lahat ng law enforcement agencies para ipatupad ang kautusang back-to-work. At ang hakbang na ito ng gubyerno at kapitalista ang pinagmumulan ng madugong labanan sa piketlayn.

Ginawang legal ng AJ ang paggamit ng strike breaker na dating bawal. At mga unipormado pa na pinasusweldo ng mga manggagawa ang dumudurog sa piketlayn kagaya ng nangyari sa Hacienda Luisita at marami pang ibang nauna.
Kung susumahin, ang apat na mayor na konstitusyunal na karapatan nating mga manggagawa—kaseguruhan sa trabaho, sama-samang pakikipagtawaran, sariling organisasyon at magwelga—ay pare-parehong binabalewala o sinusupil ng AJ. AJ na mula lang sa utos ng iisang tao, ang Kalihim ng Paggawa! Dapat nang ibasura o pawalang-bisa ang AJ!

5. ON CLOSURE: MANDATORY TRUST FUND SA RETIREMENT AT SEPARATION PAY. ISABATAS!

Isabatas ang Mandatory Trust Fund ng mga kapitalista sa Retirement at Separation Pay Benefit ng mga manggagawa/empleyado. Sa mga kumpanya/establishment na tumagal na ng tatlong (3) taon sa kanilang operation ay agad nang ilagak sa bangk (Trust Fund) ang Retirement, Separation Benefit ng kanyang mga empleyado/manggagawa. Upang hindi na maulit ang nagyari sa Novelty Phils. Inc. Na, matapos ang 50 years operation nito sa ating bansa ay basta na lamang lumayas ang mga Hudyong nagmamay-ari nito (tinakasan) ang.mga obligasyon nito sa kanyang mga empleyado/manggagawa. Ang sinumang kapitalista na hindi tutupad nito ay agad na alisan ng pangkisa sa pag-nenegosyo.

6. ON WAGE INCREASE

REGIONAL WAGE & PRODUCTIVITY BOARD BUWAGIN!
SUPPORT THE P125.00 LEGISLATED WAGE INCREASE NATIONWIDE ACROSS THE BOARD AND ADVOCATE THE LIVING WAGE!

Rasyunale:

Noong Dekada 70-80 sa panahon ng Pasistang Diktadurang Marcos (Martial Law), bawal ang mag-unyon at mag-welga, maging ang mga pagtitipon. Gayunpaman, ang paraan ng pagtatakda ng Minimum na pasahod ng mga manggagawang Pilipino ay pambansa ang katangian at saklaw. Sa pamamagitan ng mga Presidential Degree at mga Executive Orders.

Ngunit, noong 1975, binasag ang Martial Law ni Marcon at ang katahimikan ng kilusang unyon sa bansa ng welga ng La Tondena Distelery. Mula noon sumulong at sumigla na ang kilusang unyon at welga ng mga manggagawang Pilipino. Hanggang sa magsanib ang pwersa ng paggawa at buong bayan sa pamamagitan ng Peoples Power sa EDSA noong Feb. 22-26, 1986. Bumagsak ang diktadarang pamahalaan ni Marcos at iniloklok ng Peoples Power si Ginang Cory Aquino. Asawa ng Pinaslang na si Ninoy Aquino. Ideniklarang Provisional Revolutionary Government (PRG) ang pangangasiwa sa bansang Pilipinas.

Upang makabuo ng bagong saligang batas ang PRG, nagpatawag ng Con-Con si Ginang Cory Aquino upang balangkasin ang bagong Kontitusyon at pinatibay ito sa pamamagitan ng national referendum noong 1987.

Ang 1987 Philippines Constitution ay hamak na maunlad kaysa 1945 at 1973 Contitution ni Manuel L Quezon at Marcos kung ang pag-uusapan ay kodego ukol sa karapatan nating mga manggagawa. Sapagkat, nasasaad sa Art. 13, Sec. 3 ang mga deklarasyon at katagang. . . “The State affirms labor as a primary social economic force. It shall protect the rights of workers and promote their welfare”. “The State shall afford full protection to labor, local and overseas, organize and un-organize, and promote full employment and equality of employment opportunities for all.” “ It shall guarantee the rights of all workers to; Self Organization, Collective Bargaining and Negotiations, Peaceful Concerted Activities, including the right to Strike in accordance with law. “They shall be entitle to; Security of Tenure, Human Conditions of Work, and a Living Wage. “They shall; Participate in Policy and Decision Making Processes Affecting their Right and Benefits. “The State shall regulate the relation between workers and employers, recognizing; the right of labor to its just share in the fruits of production.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagamit ng mga manggagawang pilipino ang konstitusyunal na karapatang sinasaad ng 1987 Philippines Constitution. Upang obligahin ang Kongreso na magsabatas ng dagdag na sahod. Sa pamamagitan ng 5 araw na Gen, Industrial Strike ng mga manggagawa ng NCR noong 1988, pinagtibay ang Republic Act (R.A.) 6040 na nagtataas ng P25.00 wage increase, nationwide across the board.

Ngunit, noong 1988-1989, sa kasagsagan ng mga Kudeta, naipuslit ng kongreso sa pangunguna ni Ernesto “Boy” Herera (Secretary General ng TUCP at Congressman) ang kanyang Herera Law na tinawag na Republic Act. R.A. 6727 at R. A. 6715. Nag-aatas na dagdagan ang minimum wage ng halagang P20.00. Kasabay na isinabatas ang Regionalization wage fixing o wage rationalization Act noong June 9, 1989..

Dito nagsimula ang mga Regional Wage Board (RWB). Dito nagsimula ng pagkakaiba-iba ang sahod ng mga manggagawang pilipino kahit na iisa ang linya ng industriya ang pinagtatrabahuan. Dito nagsimula ang inggitan mismo sa hanay ng mga manggagawa. Dito nagsimula ang pag-igting ng pambabarat sa presyo ng sahod ng mga manggagawa, Dito nagsimulang pilayin ang kilusang unyon at manggagawa sa kabuuan. Dahil sa laganap na Unfair Labor Practices, Union Busting, Run Away Shop, Job Contracting Out at laganap na Contractual of employment.

Ang labing anim (16) na taong mga RWB?

Taong 1989 nagsimula ang mga Regional Wage Board.. 2005 na tayo ngayon. Ibig sabihin 16 years ng umiiral ang mga RWB. Pero nasa Wage Order # 10 lamang tayo ngayon sa NCR at ibang rehiyon. Ngunit, dito sa rehiyon 4 CALABARZON AREA na halos 55% ng ekonomiya ng bansa ay narito, highly industrialize, pugad ng mga kompanyang multi-national corporation at trans-national corporation ay nasa P259.00 ang minimum wage sa Current employee at P249.00 sa mga new employees. Wage Order # 9 & 10 na pinagtibay ng RWB noong ika-31 ng Agosto, 2004 at. June 16, 2005 na P10.00 at P7.00 sa January 1, 2006

Malinaw na ang Wage Order # 9 and 10 ay salamangka, hindi lamang layuning bawasan o pababain ang minimum wage sa CALABARZON AREA kundi ilagay nito sa panganib ang seguridad sa trabaho at karapatang mag-unyon at makipag-CBA ng mga manggagawa. Siguradong maiingganyo ang mga kapitalista na palitan ang mga regular nilang empleyado ng mga kontraktwal, para pababain ang sweldo, wawasakin ang mga unyon at babawiin ang mga naipanalo ng CBA ng mga manggagawa.

Una; Ang Wage Order # 9 na pinagtibay ng RWB DOLE Region 1V-A noong Agosto 31, 2004 ay hindi naglalayon na itaas ang Minimum Wage ng mga Manggagawa ng Calabarzon, bagkos pababain pa lalu ang minimum wage na P237.00 sa kasalukuyan.

Ikalawa: Ang Wage Order # 9 na pinagtibay ng RWB DOLE Region 1V ay hindi lamang paglalayon na pababain ang minimum wage, higit sa lahat nilalayon nito na ilagay sa panganib ang seguridad sa trabaho at mga manggagawa, unyon at CBA naming mga manggagawa.

Dahil sa pinababa nito ang minimum wage, bulnerable na magpalit ng mga empleyado ang mga kapitalista. Tanggalin ang mga regular na empleyado, na matataas na ang sweldo at palitan ito ng mga Contractual na mas mababa ang sweldo, kapag nangyari ito, malalanos ang mga unyon at CBA nating mga manggagawa sa Calabarzon Area. Gaya ng nangyari sa Unilonseal, Dart Phils. At iba pa.


Tingnan natin ang pangunahing ginamit na panuntunan ng Regional Wage Board sa pagsasabatas ng W. O. # 9.

1. Rasyunale:

Ang Layunin daw ng W.O. # 9 ay pangunahin na makapagluwal ng mga bagong empleyado at makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan. Sa ganitong pananaw hindi pagpapataas ng sweldo ang layunin ng W. O. # 9, kundi pababain ang sweldo. Dahil, para maakit mo ang mga mamumuhunan, kailangan mababa ang sweldo, walang unyon at CBA ang mga manggagawa at matiyak na walang magaganap na Welga.

2. Scope of Coverage: (Binago at ginulo ang dating Wage Order # 8).

Isinagawa ang Re-classification ng bawat Probinsya at Bayan sa batayang Industrialize at Urbanize na bayan, binago at pinaliit ang saklaw ng Extended Metropolitan Area, Growth Corridor Area, ibinaba/inilipat sa Emerging at Resource Base Area. Dito katawa-tawa ang bumubuo ng RWB, lumalabas na mas Urbanize at Industrialize ang San Pedro at Binan, kumpara sa Sta. Rosa City, Calamba City, San Pablo City, Cabuyao at Sta. Cruz Laguna. Sadyang iniwasan ng RWB ang mga Bayan ng Sta. Rosa, Cabuyao, Calamba-Canlubang, Bay, San Pablo (Laguna) Carmona, Damarenas, GMA, Gen. Trias, Trece Marterez Imus, (Cavite) Sto. Tomas, Tanauan, Malvar, Lipa, San Pascual, Mabini, Bauan, Batangas City (Batangas) Tiaong, Candelaria, Sariaya, Lucena, Pagbilao, (Quezon), Antipolo, San Mateo, Montalban, Angono, Binangunan, Tanay, (Rizal). Dahil narito sa mga bayang ito ang mga Indutrial Center at karamihan ng mga Pabrika at manggagawa ng CALABARZON.

Sapat na ang 16 na taong pag-iral nito. Sapat na ang 16 na taong performance nito, Hindi nito napaunlad ang ekonomiya ng bansa at buhay ng mga manggagawa, bagkos, nagamit lamang ito ng mga kapitalista para sa higit pang pagsasamantala sa talino at lakas paggawa ng mga manggagawang pilipino. Patunay nito ang karumal-dumal na Wage Order # 9 ng Region 1V-A (CALABARZON AREA).

INUTIL ANG MGA RWB, DAPAT AT NAPAPANAHON NA ITONG BUWAGIN AT MULING AKUIN NG KONGRESO ANG PAGTATAKDA/PAGSASABATAS NG SAHOD SA MGA MANGGAGAWANG PILIPINO NA PAMBANSA ANG KATANGIAN AT SAKLAW.


P125.00 WAGE INCREASE (ATB) FOR URGENT WAGE RELIEF!
SAHOD NA MAKAKABUHAY NG PAMILYA, LIVING WAGE ISABATAS!



BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO
CALABARZON CHAPTER
Ika-29 ng Enero, 2005

No comments:

Post a Comment