Tuesday, July 14, 2009

Labanan ang Kontaktwalisasyon

Panukalang pamamaraan sa pag-oorganisa
at pakikibaka laban sa kontraktwalisasyon.

Balangkas:

1. Ang kalagayan ng Calabarzon
a. Kalagayan at Katangian ng mga industriya
b. Kalagayan at katangian ng mga manggagawa
2. Mga tampok na isyu
3. Panukalang pag-oorganisa at Pakikibaka.

a) Ang kalagayan at katanian ng mga industriya:

Ang CALABAEZON ay Industriyalisado at Urbanisadong rehiyon.. 1990 ng simulan ang “Rapid Industrialization sa eryang ito. Conversion sa malalawak na lupain mula, lupang taniman tungong lupang Industrial, Commercials, Subdivision at mga Recreation.

Sa kasalukuyan ay narito ngayon sa (Canite, Laguna, Batangas) ang pinakamalaking bulto ng bilang ng mga industriya/manggagawa sa buong Luzon. Halos kalahati ng ekonomiya ng bansa ay nagmumula sa eryang ito. 80% ng mga pagawaan dito ay pagmamay-ari ng mga dayuhang mamumuhunan. Mga Multi-National Corporation ang katangian at karamihan ng mga pabrika dito ay nasa mga Industrial Park o Eco-Zone.(Subdivision) ang katangian.

Mga Industrial Parks::
(Foreign) Investors: 42% Japanese 6% Dutch 2% German
16% Filipino 5% Singaporean 1%Others
7 % US 3% Korean
Industry: 55% Electronics
11% Electrical Machinery
7% Transport
4% Chemical
4% Information technology
3% Medical
2% Rubber
2% Garments
12% Others
@ In Laguna: 271 firms/establishment in 23 industrial centers/parks

Sa Cavite ay mayroon itong 23 na Industrial Park o Centers na ala Subdivistion ang katangian. Iisa ang pasukan at labasan. Nakabase ang mga ito sa mga Bayang sumusunod; Carmona, GMA, Silang, Dasmarenas, Imus, General Trias, Trece Martirez, Rosario at Tanza.

Sa Laguna ay may 23 Industrial Park o Centers. Nakabase ang mga ito sa mga Bayang sumusunod; San Pedro, Binan, Sta. Rosa, Cabuyao, Calamba, Alaminos, San Pablo City.

Sa Batangas ay may 18 itong Industrial Park /Centers. Matatagpuan ito sa mga Bayang sumusunod; Sto.Tomas, Tanauan, Malvar, Lipa, San Pascual, Mabini Bauan at Batangas City.

Sa bahagi ng Quezon ay may 2 itong Industrial Belt na matatagpuan sa mga Bayang sumusunod; Tiaong, Candellaria, Lucena, at Pagbilao.

Sa Rizal may 3 industriyal cluster, na matatagpuan sa Bayan ng Cainta,Taytay, Antoipolo at Binangonan

b. Ang latag at katangian ng empleyo sa CALABARZON:

Sa pangkalahatan ay walang job securityat walang unyon ang bulto ng mga manggagawa dito bunga ng laganap na contractualization at Labor Only Contracting of Employment.. May __ na tipo ng employment dito.

1. Direct Hire at Regular employees
2. Direct hire, ngunit contractual. 5 month ang kalimitang kontrata, bago matapos ang kontrata ay tatanggalin sa trabaho.
3. Direct hire , ngunit pakyawan ang iskema ng pasahod. Marami magawa, malaki kita, walang gawa, walang kita.
4. Direct hire ng Legal Sub-Con, pero contractual ang iskema, every 5 months re-contract o application of employment. Walang regular kahit 3 taon na sa serbisyo.
5. Labor Only Contracting o LOC.: Sa anyo ng mga Manpower Agency na tumatanggap ng mga manggagawa at isinu-supply sa mga kompanya. Ang iskema ng empleyo dito ay nakabatay sa kasunduan o kontrata ng Manpower Agency at Kumpanya. Hal. Isang (1) ang kontra nila, mananatili kang isang taon sa trabaho sa pabrikang yon. Pero every 5 month ang kontrata ng manggagawa sa kanyang manpower agency para maiwasang maging direct employee sa kumpanyang pinapasukan at ma-regular sa trabaho.

Ang ganitong iskema (LOC) ang laganap ngayon sa CALABARZON. Halimbawa na lamang sa Procter & Gamble Phils. May 6,000 na libong manggagawa, pero halos 500 lamang ang Direct Hire at regular na empleyado ng P & G. Ang 5,500 manggagawa ay mga manpower agency employee na. Na sinusupply ng higit kumulang sa 30 Manpower Agency. Ganundin ang nangyayari sa Fujitso, Toshiba, IMI at iba pa. Na kung tutuusin ay prohibited o ipinagbabawal ito ng batas ayon sa Art. 106 at D. O. # 18-02.

c. Katangian ng mga manggagawa sa CALABARZON:

Kakaiba ang katangian at aktitud ng mga manggagawa dito. Karamihan ay “takot” mag-unyon, ang iba naman ay dala na, sa pag-uuyon. Hindi mo basta-basta makakausap sa kani-kanilang pabrika ang mga manggagawa dito. Dala sa pag-uunyon, dahil sa karamihan ay biktema ng Panloloko ng mga pederasyong Flight by Night at sa kabilang banda tanggalan dahil sa mga maling linya at taktika ng mga local na pakikibaka. Gaya ng maraming pabrika o unyon na inorganisa ng KIMO. Nestle, Toyota, Nissan, Golay, Coke, Integ at iba pa. Kilusang welga na ang resulta ay tanggalan sa trabaho.

Una; Mahirap makapasok ang mga organisador sa mga Industrial Park o Eco-Zone. Ikalawa; May mga service Bus / Shuttle ang mga manggagawa dito. Kaya laging nagmamadali sa pagsakay papasok at sa pag-uwi. Ikatlo; Epektibong pinatimo sa mga manggagawa ang black propaganda ng mga kapitalista’t mga politiko laban sa pagtatayo ng unyon. Dahil, karamihan sa mga ito ay mga anak ng magsasaka, mga istudyante na hindi nakapagtapos ng mga pangarap nilang kurso, mga kabataan na zero ang kaalaman ukol sa buhay at pakikibaka ng mga mangggawa at panlipunang kabatiran. Ikaapat; Dagdag pa, sa pagpasok pa lamang ay ino-orient na nang mga nagrekomenda na bawal ang pagtatayo ng union sa mga Industrial Parks. Katunayan, marami na din ang nagtatangkang magtayo ng union ang nauuwi sa pagkatanggal sa trabaho. Ikalima: Epektibo din nagagamit ng mga kapitalista ang consepto ng LMC sa pakikipagtulungan ng DOLE. Na sa ngayon nga ay halos lahat ng probinsya at baying undustriyalisado ay may nakatayong LMC-TIPC. Na ginagamit ng mga kapitalista at DOLE para sa productivity and harmony sa lugar ng paggawa at relasyon ng paggawa at puhunan.

Resulta: Wala pa sa 10% ng mga manggagawa ang unionize at cover ng CBA:

Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon

1. Ind’l Parks 23 23 18 3 2
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
2. Workforce
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
3. Unions 312 577 163 382 32
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
4. CBA’s 48 142 33 51 9


CALABARZON: Union Members
Agricultural 78 3,224
Industrial 1,426 166,238
Services 367 24,565
Not indicated 51 1,864
Total 1,922 195,891

On employment: Calabarzon
Total workforce: 6.728 M (15 yrs old included in the workforce)
Labor participation rate: 64.4%
Employment rate: 89.7%
Unemployment rate: 10.3%
Visible underemployment rate: 10.1%

 Sa 6.728M Workforce, ang employment rate na 89.7% ay katumbas ng 5,978,920
 3.27 lamang ng employed na 5.9 M ay organized
 .9% lamang ng 5.9 M employed ang covered ng CBA
 Samantala sa 195,891 unionized/organized na manggagawa 27.7% nito lamang ang covered ng CBA
 Sa 1,922 registered unions, 14.2% ang may CBA (as of June 2006, 283 unions w/CBA na may 54,418 members covered.

C. Trade Union Spectrum:

1. INDEPENDENT
2. TUCP
3. FFW
4. KMU = AMEN, PAMANTIK,OLALIA
5. BMP = CWA, NLML, SUMAPI, SUPER
6. RTIPC at REGIONAL and MUNICIPAL LLMC-TIPCs

2. Mga tampok na problema/isyu ng mga manggagawa sa CALABARZON:

Una: Dahil sa laganap na (Manpower Agency Employment) LOC, halos 90% ng mga manggagawa sa CALABARZON ay walang Seguridad sa trabaho o SOT. Walang unyon at CBA, Mababa ang sweldo, walang mga benepisyo, Bellow Minimum ang pasweldo ng halos 65% ng mga manggagawa dito. Ang iba dahil sa “555” scheme na empleyo, hindi na nireremit ang SSS at Phil health na kinakaltas sa kanilang swedo.

Ikalawa: Ang dami nang itinatakdang rekisito at rectriction (discrimination) ng mga kapitalista/management sa pagtanggap ng empleyado. Nariyan ang Age Limit (18-25 year old), Personalidad (may itsura, matangkad, kaakit-akit) College Graduate. Talamak ang gawi ng mga kapitalistang ito sa (mga Industrial Park/Centers) at mga Commercials Centers na kung tutuusin labag ito sa ating Saligang Batas at Batas Paggawa.

Ikatlo: Epektibong naipapatupad ng mga kapitalista ang dalawang taktika nila para hadlangan ang pagtatayo ng unyon ng mga manggagawa. Panlilinlang: Sa anyo ng pagtatayo ng LMC. Pandarahas: Sa anyo ng tanggalan sa trabaho at biglaang shutdown, para takutin sa gutom ang mga manggagawa at maobligang magpabayad na lamang. Kaya nakakasanayan na ng mga kapitalista, ang tanggalan sa trabaho at biglaang pagsasara ng kumpanya, upang makaiwas sa pagtatayo ng unyon ng mga manggagawa. Ang mga batayan at konstitusyunal na karapatan ng mga manggagawa ay hindi na iginagalang at binabaliwala na.

ON LABOR: “The State shall afford full protection to labor, local and overseas, organize and un-organize, and promote full employment and equality of employment opportunities for all.”

“ It shall guarantee the rights of all workers to;
 Self Organization
 Collective Bargaining and Negotiations
 Peaceful Concerted Activities, including the right to Strike in accordance with law.

“They shall be entitle to;
 Security of Tenure
 Human Conditions of Work and a
 Living Wage
“They shall;
 Participate in Policy and Decision Making Processes Affecting their Right and Benefits
“The State shall promote the principle of SHARED RESPONSIBILITY between workers and employers and the preferential use of voluntary modes in settling disputes, including conciliation xxx…

“The State shall regulate the relation between workers and employers, recognizing;
 the right of labor to its just share in the fruits of production
 and the rights of enterprise to
- reasonable return on investment,
- to expansion, and
- growth

xxx an employment shall be deemed to be regular where the employees has been engaged to perform activities which are usually necessary or desirable in the usual business or trade of the employer xxx Art. 280 Labor Code.
There is “Labor only” contracting where the person supplying workers to an employer does not have substantial capital or investment in the form of tools, equipment, machineries, work premises, among others, and the workers recruited an placed by such person are performing activities which are directly related to the principal business of such employer XXX Art. 106 Labor Code.

xxx employee includes any person in the employ of an employer. The term shall not be limited to the employees of a particular employer. It shall includes any individual whose work has ceased as a result of or in connection with any current labor dispute or because of any unfair labor practice if he has not obtained any other substantially equivalent and regular employment. Xxx Art. 212 (f) Labor Code.

xxx Any employees, whethere employed for a definite period or not, shall begining on his first day of service, be consedered an employee for purposes of membership in any labor union. Xxx Art. 277 © Labor Code.

3. Panukala sa pag-oorganisa at paglaban sa salot na kontraktwalisasyon sa empleyo.

Sa pag-oorganisa para sa layuning pagkaisahin ang mga manggagawang contractual, regular, unionize at non-unionize, kailangan gumamit ng iba’t-ibang pamamaraan ng pag-oorganisa. Huwag magkasya sa dati nang nakagawiang diretso agad sa pormal na pagtatayo ng unyon, maaaring magsimula sa networking at pagbubo ng mga workers associations. Gaya ng Brotherhood, job wefare & protection association.

Sa kalagayan ng CALABARZON na kalakhan ay subdibission ang katangian ng mga pabrika, maaaring magsimula ang networking at organizing sa mga Workers Communities, kasabay na inilulunsad ang malawakang distribusyon ng mga babasahin (leftlets) sa mga Workers Terminals. Gaya ng Balibago, Calamba Central Terminal, Canlubang, Cabuyao, Binan, Los Banos at mismo sa Gate ng mga Eco-zone at Industrial Park. Gaya ng sa FCIE-Dasmarenas, Gateway-Gen. Trias, EPZA-Rosario. Mga polyeto o babasahin na naglalaman ng mga batayang karapatan sa paggawa, kalakip ang mga katanungan at kaukulang payo. ( Gaya ng; May problema ka ba sa empleyo? Tumawag o magtungo sa ____ !)

Sa panimula ng pagkilos, kailangan pasimulan ng mga organisadong manggagawa (unionize) maging ganap na behekulo sa pag-oorganisa ang buong kasapian ng mga local na unyon kasapi ng BMP at mga unyon naaabot na ng Alyansa. Magpasa ng resolusyon ang pamunuan ng unyon na nag-aatas sa lahat ng pamunuan at kasapian ng unyon na tumulong sa pangangalap ng kontak na manggagawa sa kani-kanilang mga komunidad na inuuwian. Saan saan pabrika namamasukan? Ano ang katangian ng empleyo?. (maglalabas tayo ng Questioner dito)

Intervention sa programa, proyekto at paggawa ng mga polisiya ng DOLE at mga local na pamhalaan. Isang pagkakataon o oppurtonidad din ng ating mga local na unyon at lider ang partisipasyon nito sa mga RTIPC, LLMC, TIPCs na nakatayo sa DOLE at mga local governmrnt unit. Mahalaga ang intervention dito bilang venue ng talakayan sa mga problema at kahilingan ng mga manggagawa.

Gayundin, mas mainam na pasimulan na ng ating mga local na unyon ang paglaban sa Contraclization o Labor Only Contracting of Employment sa kanilang pabrika kung may umiiral na ganitong sistema. Maging behekulo ang kanilang local na unyon para ipaglaban ang Direct Hiring, Regularezation of Employment at Mandatory Union Memberships. Batay sa Art. 280 at Art. 277 (c) ng Labor Code. Sa panahon ng CBA, matiyak na maisama sa CBA Proposal ang kahilingan regularisasyon sa paggawa at mandatory Union Memberships (Union Close Shop)
a. Layunin:
1. Maging mayor na kampanya at laban ng kilusang manggagawa, na direktang kokompronta sa patakaran ng rehimeng GMA at globalisasyon (LDP)
2. Maging insperasyon sa muling pagbangon ng kilusang manggagawa sa bansa
3. Maging behekulo (isyu at laban) para sa direktang pakikipag-ugnayan sa pandaigdigang kilusang manggagawa.
4. Maging behekulo sa malawak na kampanyang propaganda, ahitasyon, edukasyon at pagpapalawak ng basing masa sa anyo ng pagtatayo ng mga alyansa at teretorial federation.
5. Maibasura ang Dept. Order # 18-02 at 40-03 at makapagbuo ng panibagong Dept. Oders na magbibigay proteksyon sa mga manggagawa. New Dept. Orders (D.O) for mandatory regularization of employment and union memberships. Art. 280 at Art. 277 (c) labor code.
6. Madevelop ang mga sama-samang pagkilos (SSP) sa bawat erya na lulundo sa mga koordinadong pagkilos (National Day of Protest o Workstoppage)

b. Paraan at porma ng paglaban:
1. Sa pamamagitan ng mga local na unyon at alyansang nakatayo sa bawat lokalidad at lalawigan, kagyat na ipatawag ang pulong talakayan (Forum On Contractualization) para maipaunawa ng malalim ang pagiging salot ng laganap na LOC (Maipamahagi ang Primer on LOC) At magresulta ang Forum ng plano sa tuloy tuloy na pag-oorganisa at pagkilos.
2. Kagyat na mahimok ang mga local na unyon, na pasimulan na sa kani-kanilang local ang labang ito, Ang lahat na Contractual o Agency employe sa kanilang pabrika ay agad na pasapiin sa unyon para masimulan ang laban sa LOC at para sa Direct employment, regular employment at union membership sa kanila. Sa panahon ng mga CBA, maisama ang probisyon ukol sa mandatory union membership sa lahat ng empleyado sa unang araw pa lamang ng kanilang serbisyo. Art. 277 (c) Labor Code. Note: Pero sa pagtatayo ng unyon, maaaring gamitin muna ang dating kalakaran. Na, regular rank & file lang muna ang saklawin sa petition for union registration. Sa mga CE case to case bilang taktika sa pagpapanalo. Ngunit sa CBA negotiation agad na saklawin ng CBA proposal ang lahat na manggagawa.
3. Pasukin ang mga Tripartitesa antas local at nasyunal, isalang dito ang debate ukol sa isyu ng LOC at regularisasyon sa empleyo at mandatory union membership on his 1st day of service. Ayon sa Art. 280 at 277 (c) ng Labor Code.
4. Ilunsad ang petition at dialogue sa DOLE Secretary at Congress para igiit ang kahilingang regularisasyon at mandatory union membership sa paggawa.
5. Paghandaan ang pambansang protesta o pangkalahatang welga. Bilang mapagpasyang porma ng pagkilos para pawiin ang LOC at kamtim ang regularisasyon sa paggawa at mandatory union membership (union close shop) sa paggawa.
6. Gayundin, paghandaan sa hinaharap ang pagtatayo ng Line Industry Formation – One Union in One Industry.One Labor Center in One Country!

Workers Unite! Fight for Decent Job, Freedon and Justice!
Protect the Workers Rights and Wefare! Save the Job! Save the Union!
Regularisasyon sa paggawa at Mandatory Union Memberships! Ipaglaban!
Stop LOC & Union Busting! LOC Salot sa Paggawa Ibasura!
Dept. Order # 18-02 at 40-03 Ibasura!
GMA-Brion, promoter ng LOC at Union Busting Patalsikin!

Draft By:
Ka. Ronnie













Panukalang pamamaraan sa pag-oorganisa
at pakikibaka laban sa kontraktwalisasyon.

Balangkas:

1. Ang kalagayan ng Calabarzon
a. Kalagayan at Katangian ng mga industriya
b. Kalagayan at katangian ng mga manggagawa
2. Mga tampok na isyu
3. Panukalang pag-oorganisa at Pakikibaka.

ANG CALABARZON: ay binubuo ng 5 lalawigan na may kalupaan, populasyon at botanteng sumusunod:
Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1. Land area 1297 sq km 1759 sq km 3165.8 sq km 1308.83 sq km 8,706.6 sq km
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
2. Population 2,063,000 1,965,872 1,905,348 1,707,218 1,679,030
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
3. Voters
population 1.323 M 1,220,748 1,100,224 1,029,361 836,419
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
4.No.of Dist: 3 Districts 4 districts 4 districts 2 districts 4 districts
District 1 5 bayan 3 bayan 8 bayan 4 bayan 9 bayan
District 2 7 bayan 4 bayan 7 bayan 10 bayan 6 bayan
District 3 11 bayan 7 bayan 11 bayan ------ 12 bayan
District 4 ------- 16 bayan 7 bayan ------ 10 bayan
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ECO ZONE

• Total Economic Zone Employment

1994 229,650
1995 304,557
1996 380,625
1997 562,085
1998 609,044
1999 617,690
2000 696,035
2001 714,742
2002 820,960
2003 907,127
2004 1,016,880
2005 1,128,197

• Eleven Year Economic Zone Investments : 38 Times Bigger

EPZA
1984-1994
P 24 B
PEZA
1995-2005
P955.7 B

• Public Eco Zones : 434 operating firms

Baguio City Eco Zone 15
Bataan Eco Zone 53
Cavite Eco Zone 254
Mactan Eco Zone 112

• Private Eco Zones : 508 operating firms

*Amkor Special Eco Zone 1
Angeles Indutrial Park 4
*Calamba Premier International Park 29
*Caemelray Industrial Park I 21
*Carmelray Industrial Park II 39
Cebu Light Industrial Park 4
*Cocochem Agro-Industrial Park 3
Daiichi Industrial Park 5
EMI Special Eco Zone 1
*Filinvest Technological Park 3
*First Cavite Industrial Estate 62
*First Philippine Industrial Park 17
First Oriental Business & Industrial Park 1
Food Terminal Incorporated Spcl Eco Zone 4
*Gateway Business Park 15
Greenfield Automotive Park 3
Jasaan Misamis Oriental Eco Zone 1
*Laguna International Industrial Park 19
*Laguna Technopark 78
Leyte Industrial Development Estate 1
*Light Industry & Science Park I 37
*Light Industry & Science Park II 24
Lima Technology Center 13
Luisita Industrial Park 5
Macroasia Eco Zone 2
Mactan Eco Zone 50
MRI Eco Zone 5
New Cebu Township 2
People’s Technology Complex 17
Plastic Processing Center SEZ 2
Rapu-Rapu Eco Zone 1
Rio Tuba Export Processing Zone 1
Sarangani Economic Devt Zone 1
SRC Calumpang Eco Devt Zone 1
Subic Shipyard Special Eco Zone 3
Tabangao Special Eco Zone 1
TECO Special Eco Zone 2
*Toyota Sta. Rosa Spcl Eco Zone 4
Victoria Wave Spcl Eco Zone 15
West Cebu Industrial Park 7
YTMI Realty Special Eco Zone 4

• IT Parks and Buildings : 141 operating firms

Arcenas Estate IT Bldg 1
Asia Town IT Park 11
Convergys IT Bldg 1
Diliman IT Bldg 1
E Square IT Park 11
Easrwood Cyberpark 28
EDSA Central IT Center 2
Eugenio Lopez Jr. Com Center 1
Exportbank Plaza Bldg 7
GT Tower Intl 2
Innove IT Plaza 1
JY Square IT Center 1
Multinational Bancorporation Centre 3
Northgate Cyberzone 12
Pacific IT Center 5
PBCom Tower 15
Peoplesupport Center IT Bldg 1
Pueblo de Oro IT Park 1
RCBC Plaza 24
Robinsons Cyberpark 1
Robinsons Equitable Tower 5
Robinsons Place Novaliches 1
SM iCity 2
Summit One Office Tower 6
The Enterprise Center 6
Unionbank Plaza 1


• PEZA Tourism : 1 operating firm

Eastbay Arts, Recreation & Tourism Zone 1


• Eco Zone Facilities Enterprises Warehousing: 53 operating firms
• Investment By Product, PEZA Approved Locator Investment by Industry (1995-2004)

55% - Electronics and Semi-conductors
11% - Electrical Machinery Apparatus
7% - Transport & Car Parts
4% - Chemical & Chemical Products
4% - Information Technology
3% - Medical Precision
2% - Rubber & Plastic
2% - Garment & Textile
12% - Others


MINING & EXPLORATION

23 MINING PROJECTS OF THE ARROYO ADMINISTRATION
Legend: MP – Mineral Products; PI – Potential Investments; PR – Potential Revenues

Rapu Rapu Polymetallic Project, Rapu Rapu Island, Albay – Proponent: Lafayette Phil, Inc.
(With Lafayette NL of Australia, LG Collins and KORES of South Korea); MP - Copper, Gold, Silver,
Zinc; PI - P42,000,000; PR - P246,000,000

Palawan HPP Project, Bataraza, Palawan (The Project consists of 2 components: a nickel processing & limestone mining) – Proponent: Rio Tuba Nickel Mining Corp. and Coral Bay Mining Corp. (Sumitomo
Mining & Metals Corp.; Mitsui Co., Ltd & Nissho Iwai Corp., of Japan) - Mixed sulfides of nickel and
cobalt (HPAL Process); MP - Mixed sulfides of nickel and cobalt (HPAL Process); PI - P180,000,000;
PR - P318,000,000

Masbate Gold Project, Aroroy, Masbate – Proponent: Filminera Resources Corp. (With Thistle Mining Corporation of Canada.); MP - Gold, Silver; PI - P100,000,000; PR - P370,000,000

Direct State Development Project, Monkayo, Compostela Valley – Proponent: Natural Resources Mining Development Corporation; MP - Gold, Silver; PI - P2,000,000; PR - P28,000,000

Adlay-Cadianao-Tandawa (ACT) Project, Surigao del Norte – Proponent: Case Mining and Devt. Corp
and CTP Construction and Mining Corporation (With QNI Phils, Inc & BHP-Billiton); MP - Nickel ore
(laterite); PI - P15,000,000; PR - P48,000,000

Nonoc Iron Fines Project, Nonoc Island Surigao del Norte – Proponent: Pacific Nickel Phils., Inc.;
MP - Iron fines; PI - P7,000,000; PR - P112,000,000

Siana Gold Project, Proponent: JCG Resources Corporation; MP - Gold; PI - P10,000,000; PR –
P40,000,000

Didipio Copper-Gold Project, Nueva Vizcaya – Proponent: Climax Arimco Mining Corporation (With
Climax Mining Ltd of Australia); MP - Copper, Gold, Silver; PI - P63,000,000; PR - P245,000,000

Teresa Gold Project, Mankayan, Benguet – Proponent: Lepanto Consolidated Mining Corp.; MP - Gold,
Silver; PI - P80,000,000; PR - P420,000,000

Padcal Copper Expansion Project, Tuba, Benguet – Proponent: Philex Mining Corporation (Pan Pacific
Co. Ltd.); MP - Copper, Gold, Silver; PI - P15,000,000; PR - P250,000,000

King King Copper-Gold Project, Compostela Valley – Proponent: Benguet Corp. and Nationwide
Development Corporation; MP - Copper, Gold, Silver; PI - P532,000,000; PR - P1,000,000,000

Tampakan Copper Project, South Cotabato – Proponent: Sagittarius Mines, Inc. (With Indophil, Inc.
MIM Holdings of Aust. & Alsons Devt Co.); MP - Copper, Gold, Silver; PI - P500,000,000;
PR - P500,000,000

Itogon Gold Project, Benguet – Proponent: Itogon - Suyoc Mines, Inc.; MP - Gold, Silver;
PI - P10,000,000; PR - P76,000,000

Canatuan Gold Project, Zamboanga del Norte – Proponent: TVI Resources Devt. Phils., Inc.
(TVI Pacific, Inc.); MP - Gold, Silver; PI - P7,000,000; PR - P50,000,000

Far-Southeast Gold Project, Benguet – Proponent: Lepanto Cons. Mining Company (CRA); MP –
Copper, Gold, Silver; PI - P500,000,000; PR - P300,000,000

Boyongan Copper Project, Surigao del Norte – Proponent: Silangan Mindanao Mining Corporation
(Anglo American); MP - Copper, Gold, Silver; PI - P500,000,000; PR - P500,000,000

Pujada Nickel Project, Davao Oriental – Proponent: Asiaticus (BHP-Billiton); MP - Nickel; PI - P1,000,000,000; PR - P250,000,000

Toledo Copper Project, Toledo City, Cebu – Proponent: Toledo Copper Plc.; MP - Copper, Gold, Silver;
PI - P100,000,000; PR - P390,000,000

San Antonio Copper Project, Sta. Cruz, Marinduque – Proponent: Marcopper Mining Corporation; MP - Copper; PI - P100,000,000; PR - P300,000,000

Mindoro Nickel Project, Mindoro Oriental – Proponent: Aglubang Mining Corp. / Crew Development Corporation; MP - Nickel, Cobalt; PI - P1,000,000,000; PR - P600,000,000

Nonoc Nickel Project, Nonoc Island Surigao del Norte – Proponent: Nonoc Processing Corp. / Philnico;
MP - Nickel, Cobalt; PI - P1,000,000,000; PR - P300,000,000

Batong Buhay Gold Project, Pasil, Kalinga – Proponent: Batong Buhay Gold Mines Inc. / PMO /
NRMDC; MP - Copper, Gold; PI - P200,000,000; PR - P150,000,000

Amacan Copper Project, Maco, Compostela Valley – Proponent: North Davao Mining Corp. / PMO /
NRMDC; MP - Copper, Gold; PI - P200,000,000; PR - P300,000,000

Nov. 10, 2005 NDP

Nov. 10 National Day of Protest Laban sa E-VAT,
Oil de-regulation Law at para sa P125.00 Dagdag na
Sahod at Tax Relief sa P681.00/day ang sweldo, TAGUMPAY!

Sa kauna-unahang pagkakataon naganap ang koordinadong pagkilos sa pangunguna ng mga manggagawa sa industriya at transportasyon sa buong Calabarzon area na nagparalisa ng (5) oras sa daloy ng transportasyon (Bicol to Manila) at pag-inog ng ekonomiya sa rehiyon..

Sa kauna-unahang pagkakataon nagawa ang malawak na pagkakaisa at pagkilos ng mga manggagawa sa industriya, transportasyon, agrikultura, serbisyo, vendors at maralita sa ilalim ng bandila ng Laban ng Masa (LnM). Kakaiba ang pagkakaisa at naipamalas na pagkilos sa bawat lalawigan ng Calabarzon.

Sa Candelaria-Quezon; Sa pangunguna ng Manggagawa ng Peter Paul, DGR Garment, LGI at DGR Lucena Garment, Foctoda, maralita’t magsasaka. Nagtipon at nagmartsa ang 3,000 katao kasama ang 800 unit na Tricycles sa magkabilang dulo ng Canadelaria (Brgy. Masin at Bgy. Malabanban, Quiapo Bridge) at nagsalubong sa harap ng Munisipyo at doon nagprograma. Umabot sa 5,000 ang tao at tumagal ng 4 na oras ang programa (7:30am to 11:30am) sa gitna ng Maharlika Hi-way sa tapat ng Munisipyo ng Candelaria..

Paralisado ang Transportasyon, tigil pasada ang 5,000 TODA ng Candelaria, tigil trabaho ang pitong (7) pabrika (Peter Paul na may 2,000 manggagawa, Sun Ripe na may 900 manggagawa, Primex na may 1,500 manggagawa, Super Star na may 1,500 manggagawa, LGI, DGR-Lucena at Candelari na may 400 manggagawa) walang pasok ang Enverga University at AMA School.. Gayundin ang Supreme Bus at Reymond Bus Line na may rutang Lucena – Batangas, mga Bangko at Food Chains sa buong bayan ng Candelaria. Maging ang Chief Police at Mayor ng Candelaria ay nagpahayag ng pagsuporta sa mapayapang pagkilos at mga kahilingang isinahipapawid ng kanyang mga kababayan at kalalawigan.

Sa Sto. Tomas at Tanauan, Batangas: Alas singko pa lamang ng umaga tumigil pasada na ang 2,500 TODA at pumarada ang 300 unit na tricycle kasama ang mga manggagawa ng Arcya Glass buhat sa Tanauan at Brgy. San Felix at nagsalubong sa Sto. Tomas Market. Talong oras na nagprograma (9:00am to 11:00am) at muling pumarada patungong Tanauan City upang humarap sa Dialogue kay Vice Mayor (Herminigildo “Junjun” Trinidad) ukol sa kanilang lokal na problema sa pamamasada.

Sa San Pablo City at Calamba City Laguna: Nov. 8 3:00pm pormal na idenuklara sa pamamagitan ng Press Conference ng Laban ng Masa – Laguna ang Tigil Trabaho ng 15 pabrika na may 5,500 kasapian at PISTODPILA na may 5,000 unit na Tricycle. Gayundin ang 350 unit na JODA na rutang Liliw, Nagcarlan, Tanauan at Candelaria. Nov. 9, Nagdeklara ang San Pablo City Dep-ED na wala ng pasok sa eskwela ang lahat ng level sa Nov. 10, dahil sa welgang bayan na kalahok ang transport sa buong bayan. Tahimik at mahawan ang kalsada ng buong syudad ng San Pablo City sa araw na iyon.

Sa Calamba City: Tigil trabaho ang 10 pabrika Paralisado ang 3 Terminal ng TODA (Walter Mart, Makiling Area at Crossing Calamba area). Trapik ang kahabaan ng National Hi-way, Paciano, Real at JP Rizal. ng halos 3 oras sa martsa ng higit isan libong mangagagawa at maralita. Nagtapos ang Martsa sa Calamba City Hall, matapos basahin at ipaalala sa lahat ng kawane ng City Hall ang City Council Resolution laban sa E-VAT.
Dumalo at Magpadalo: LAKBAYAN PARA SA KABUHAYAN, KARAPATAN AT KALAYAAN! Nov. 29-30 Tagpuan: Nov. 29, 9:00am Alabang (Underpass

Panukala sa pagbabago ng LC

Bukluran ng Manggagawang Pilipino-CALABARZON
SUPPORT AND AMMEND HOUSE BILL 2728
(LABOR CODE AMENDMENTS)

Baguhin ang Labor Code para sa Proteksyon sa Paggawa:

1. On Employment and Security of Employment (SOT)
2. On Self Organization and CBA
3. On Strike Law
4. On AJ
5. On Wage Increase
6. On Closure/Shutdown/Dissolution
7. On Indibidual Dismissal of Employees

RASYUNALE:

Ang mga karapatan ng mga manggagawa ayon sa Saligang Batas ng ating bansa na pinagtibay noong 1987, matapos maalis ang Martial Law, maganap ang Peoples Power sa EDSA, maibagsak si Marcos at maupo bilang pangulo si Ginang Corazon Aquino.

Ayon sa Art. 13 Sec. 3 ng ating 1987 Phils. Constitution: Deklarado ng estado na ang mga MANGGAGAWANG PILIPINO ang pangunahing pwersang pang-ekonomiya ng bansa. Dahil dito bibigyan ng sapat at buo-buong PROTEKSYON ang mga manggagawang Pilipino sa loob at labas man ng bansa. Kabilang sa pinuprotektahang mga karapatan ang mga sumusunod: a. Right to decent Employment b. Right to Security Of Tenure (SOT) c. Right to Organize d. Right to Collective Bargaining (CBA) e. Right to Concerted Action (Strike) f. Right to human condition of work and to aim Living Wage

ON LABOR : Section 3 : “The State shall afford full protection to labor, local and overseas, organize and un-organize, and promote full employment and equality of employment opportunities for all.”

“ It shall guarantee the rights of all workers to;
 Self Organization
 Collective Bargaining and Negotiations
 Peaceful Concerted Activities, including the right to Strike in accordance with law.
“They shall be entitle to;
 Security of Tenure
 Human Conditions of Work and a
 Living Wage
“They shall;
 Participate in Policy and Decision Making Processes Affecting their Right and Benefits
“The State shall promote the principle of SHARED RESPONSIBILITY between workers and employers and the preferential use of voluntary modes in settling disputes, including conciliation xxx…
“The State shall regulate the relation between workers and employers, recognizing;
 the right of labor to its just share in the fruits of production
 and the rights of enterprise to
- reasonable return on investment,
- to expansion, and
- growth

1. ON RIGHT TO DECENT EMPLOYMENT AND S. O. T.:

Sa kasalukuyan ay matindi na ang diskreminasyon sa pag-eempleyo. Ginagawang hanap buhay na ng ilang indibidual na tao ang paghahanap ng empleyo o pamamasukan ng mga manggagawa. Laganap na ang mga LOC na labag sa batas ayon sa Art. 106 ng Labor Code.. Dagdag pa, ang dami nang itinatakdang rekisito ng mga kapitalista/management sa pagtanggap ng empleyado. Nariyan ang Age Limit (18-25 year old), Personalidad (may itsura, matangkad, kaakit-akit) College Graduate. Talamak ang gawi ng mga kapitalistang ito sa area ng Calabarzon (mga Industrial Park/Centers) at mga Commercials Centers na kung tutuusin labag ito sa ating Saligang Batas at Batas Paggawa.

Dahil dito, ang tindig ng Partido ng Manggagawa at aming unyon ay ang mga sumusunod:

1. Ibatay sa uri ng trabahong kailangan gampanan ng empleyado ang pagtanggap. Hindi sa mga nabanggit sa itaas.
2. Kapag napatunayang Karaniwan, Natatangi at Kinakailanga sa arawang negosyo ng kompanya ang uri ng trabahong ginagampanang ng isang empleyado, Dapat, Regular na Employee ang kanyang kategorya sa trabaho. xxx an employment shall be deemed to be regular where the employees has been engaged to perform activities which are usually necessary or desirable in the usual business or trade of the employer xxx Art. 280 Labor Code.
3. Ganap at walang pasubaling ipagbawal ang LOC. Isabatas ang parusang (anim na buwan pagkabilanggo) mga kapitalistang napatunayang nagsasagawa ng LOC. XXX There is “Labor only” contracting where the person supplying workers to an employer does not have substantial capital or investment in the form of tools, equipment, machineries, work premises, among others, and the workers recruited an placed by such person are performing activities which are directly related to the principal business of such employer XXX Art. 106 Labor Code.
4. Ang sinumang manggagawa/empleyado na kinasuhan sa trabaho na naghain ng Grievance, reklamong ULP sa alin mang sangay ng DOLE at nananatiling dinidinig ay hindi siya dapat tanggalin sa trabaho hanggat walang finality order ang kurte. xxx employee includes any person in the employ of an employer. The term shall not be limited to the employees of a particular employer. It shall includes any individual whose work has ceased as a result of or in connection with any current labor dispute or because of any unfair labor practice if he has not obtained any other substantially equivalent and regular employment. Xxx Art. 212 (f) Labor Code.
5. Ang sinumang manggagawa/empleyado na mag-organisa, sumali sa unyon o gimaganap ng union activities ay hindi dapat kasuhan ng employer. xxx Any employees, whethere employed for a definite period or not, shall begining on his first day of service, be consedered an employee for purposes of membership in any labor union. Xxx Art. 277 © Labor Code.

2. ON RIGHT TO SELF ORGANIZATION (Union Building & Recognation as SEBA) and Collective Bargaining (CB).

1. Alisin ang NO Union Option sa mga Certification Election (CE)
2. Sa mga pabrika/establishment na wala pang umiiral na unyon, matapos magpasya ang 20% ng mga manggagawa/empleyado nito na magtayo ng unyon, matapos silang makakuha ng union registration sa BLR-DOLE ay sapat na para kilalanin ng management ng kumpanya ang kanilang unyon bilang Sole and Exclusive Bargaining Agent (SEBA). Wala ng magaganap na Certification Election (CE). Maliban kung may natayo na isa pang unyon na labas sa kanilang hanay at maghahain ng Petition for Certification Election (PCE). Art. 234 Labor Code. Any applicant labor organization, association or group of unions or workers shall acquire legal personality and shall be entitled to the right and privileges granted by law to legitimate labor organization upon issuance of the certificate of registration based on that following requirements ;

a. P50.00 registration fee;

b. The names of its officers, their addresses, the principal address of the labor organization, the minutes of the organizational meetings and the list of the workers who participated in such meetings;

c. The names of its members comprising at lest twenty percent (20%) of all the employees in the bargaining unit where it seeks to operate;

d. If the applicant union has been in existence for one or more years, copies of its annual financial reports; and

e. Four (4) copies of the constitution and by-laws of the applicant union, minutes of its adoption or ratification, and the lest of the members who participated in it.

3. Baguhin ang 5 years terms of representation and CBA ng Art. 253. Gawing 3 year na lamang. Para hindi nasasagkaan ang demokrasya sa unyon at karapatan nitong makipagtawaran.. xxx The duty to bargain collectively means the performance of a mutual obligation to meet and convene promptly and expeditiously in good faith for the purpose of negotiating an agreement with respect to wage hours of work and all other terms and condition of employment including proposal for adjusting any grievances or questions arising under such agreement and executing a contract incorporating such agreement if requested by either party but such duty does not compel any party to agree to a proposal or to make any concession xxx Art. 252 Labor Code.

3. ON RIGHT TO STRIKE

Maliwanag na Konstitusyunal na karapatan ng mga manggagawang Pilipino at ng buong daigdig ang mag-welga. Bilang natatanging at huling sandata nila laban sa kanilang katunggaling kapitalista na higit na nangingibabaw ang kanilang kapangyarihan sa lipunan. Nasa kanila ang salapi, impluwensya sa gobyerno at mga batas, mag-upa ng mga tao para sagkaan at supilin ang karapatan ng mga manggagawa. Kapag inalis at sinagkaan pa natin ang Konstitusyunal na karapatang ito ng mga manggagawa, wala ng matitirang karapatan o sandata ang mga manggagawa laban sa kanilang katunggaling uri sa lipunan.

Dahil dito, hiling naming na baguhin ang Art. 263 at 264 ng kasalukuyang Labor Code.

1. Alisin ang Paragraph (g) sa Art. 263. (Assumption of Jurisdiction) Nasa hiwalay na papel ang aming paliwanag dito.
2. Alisin ang “Free ingress to or egress from” sa Art. 264. Dahil, gaya din ng AJ, isa ito sa pinagmumulan ng mga kaguluhan at karahasan sa mga piketline o welga ng mga manggagawa. Una; Ito ang kalimitang ginagamit ng mga kapitalista para mag-upa ng mga taong tagalabas para hakutin ang mga produkto, makina, raw material mula sa loob ng pabrika para ipagawa o gawin sa ibang lugar.Ikalawa; Ito din ang ginagamit na paraan para mabutasan ang mga welgista na makasuhan ng criminal (kasong, malicious mischief, grave treat at kung anu-ano pa) kaya ang kalimitang nagyayari, mula sa purely labor dispute o labor cases, natatransporma ang usapin sa criminal cases. Patay na naman ang mga manggagawa dito. Pinagkaitan na ng sweldo, trabaho, makukulong pa. Dahil wala naming pera na pang pyansa.
3. Alisin ang “Cooling of Period” na 15 to 30 days bar to strike at 7 days period submit ion of strike vote result to NCMB before strike.Dahil, Una; kalimitan ito ang mga panahong ginugugol ng mga kapitalista/employer na hakutin/ilipat ang kanilang mga produkto, makina,gawa sa ibang lugar. Sa layunin nilang tumuloy man sa welga ang mga mangagawa tuloy parin ang kanilang produksyon, negosyo. Sa suma wala ng saysay ang welga ng mga manggagawa. Gutom ang mga manggagawa, sa kabilang banda nagtatampisaw sa karangyaan, halakhak at kagalakan ang kapitalista. Dahil tuloy-tuloy pa din naman ang kanilang operasyon at TUBO. Ikalawa: Kung ang layunin naman ng 15-30 days Cooling of period ay para determinahin ang issue, establisado na ang issue. Dahil
bago pa man maghain ng NOS ang unyon ay dumaan na ito sa maraming ulit na Grievance at Negotiation sa loob ng planta. Halimbawa; sa issue ng CBA Negotiation Deadlock. Bago magka-deadlock ay maraming ulit na ang negosasyong naganap.

Ang aming pananaw at paninindigan ukol sa usapin ng welga ay huling sandata naming mga manggagawa ito. Responsible naming ginagamit ito, hindi bara-bara. Ginagamit naming ito kung dumadating na na sandal na kami sa pader. Hiondi naming ito isinasagawa ng choice o kursunada lang namin. Ito ay sampung ulit naming pinag-iisipan bago isagawa. Dahil buhay at kamatayan naming mga manggagawa sampu ng aming mga pamilya ang nakatay dito.

Naniniwala kami, na dapat talaga ay may regulasyong isasagawa at susundin sa welga, pero mali ang hadlangan at sagkaan ito (Regulate only not Curtailment of our right).

Ang aming tindig, sapat na ang paghahain ng Notice Of Strike (NOS) at Strike Voting ng mayoryang kasapian ng unyon bilang rekisito bago ang aktwal na welga. Wala ng iba pa. Para magkaroon naman kaming mga manggagawa ng “gulpi de gulat” na dating sa mga kapitalista. Gaya ng ginagawa nila sa amin kadalasan. Nagugulat na lamang kami kinabukasan tanggal na pala kami sa trabaho. Gaya ng nangyari sa mga kapatid naming manggagawa sa Novelty Phils. Inc. at iba pa.

4. ON AJ: Bakit kailangang pawalang-bisa ang AJ?

Bago ipataw ang Batas Militar, hindi ganito mahigpit ang regulasyon ng batas para makapagwelga. Noong Batas Militar ni Marcos, ibinawal ang welga. Nang lumaon, kunwari ay lumuwag ang batas militar, nilimitahan ang pagwewelga. Lahat ng vital industries ay bawal pagwelgahan. Kung anong kumpanya ang nabibilang sa vital industry ay si Marcos lang ang nakakaalam. Kaya kapag nagwelga ang mga gumagawa ng taho, pag sinabi ni Marcos na vital industry ito, oorderan ka na ng back-to-work.

Ngayon pwedeng magwelga kahit anong industriya basta’t ayon sa batas. Pero pwedeng pakialaman sa pamamagitan ng AJ ng Kalihim ng Paggawa o Pangulo ng bansa kung sa tingin ng kalihim o pangulo, ang pinagwelgahang o balak pa lang pagwelgahang industriya ay indispensable o napakahalaga sa kapakanan ng bansa. Kung ano ang kabilang sa kategoryang ito ay hindi nakasaad sa batas. At ito ang isang daya sa batas na ito, kagaya ng kay Marcos. Ito ay ibabatay lang sa opinyon ng Kalihim o Pangulo. Kapag pinagwelgahan ang isang gawaan ng patis at sinabi ng Kalihim o ng Pangulo na ito’y napakahalaga sa kapakanan ng bansa pwede na silang makialam at mag-isyu ng AJ na nag-uutos na huwag magwelga bago pa man makapagwelga o itigil ang welga at bumalik sa trabaho.

Ito’y talamak na pagsupil hindi lang sa right to strike kundi sa right to collectively bargain. Sapagkat ang welga ay karugtong ng ating karapatang makipagnegosasyon o pilitin ang kapitalistang ibigay ang ating kahilingan.

Sa kaso ng CBA, kapag sumunod ang manggagawa sa AJ, ang magpapasya na kung magkano ang makukuha sa CBA ay ang Kalihim ng Paggawa o ang Komisyon. Inagaw na nila ang ating karapatang makipag-CBA.

Kapag itinuloy ang welga, na nangangahulugan ng di pagsunod sa utos ng Kalihim o ng Pangulo, ito ay itinuturing na iligal. Kahit pa natupad mo ang lahat ng rekisitos at proseso ng batas na sila rin ang may gawa para pahirapin ang paglulunsad ng welga. Matapos kang padaanin sa butas ng karayom para lang makapagwelga, sa dulo ay pagbabawalan ka rin.
Ano ang mangyayari kapag nilabag mo ang utos na huwag magwelga o itigil na ang welga at bumalik na sa trabaho na siyang laging laman ng AJ?

Ang paglabag sa AJ ay itinuturing na isang iligal na gawain. At ang parusa ay ang mga sumusunod:
Una. Pwedeng tanggalin sa trabaho ang lahat ng sumuway sa AJ. Ginawang ligal ng AJ ang union busting na dating iligal.

Ikalawa. Pwede ng palitan ng bagong empleyado ang mga welgistang di sumunod sa AJ. Ginawang ligal ng AJ ang pag-eempleyo ng mga iskirol na pamalit sa mga welgista. Dati itong bawal pero dahil sa AJ, ito’y naging ligal.

Sa una at ikalawa, dalawang konstitusyunal na karapatan ang binalewala o sinupil ng AJ dito--ang right to Security of Tenure at right to self-organization.

Ikatlo. Pwede silang pagbayarin ng kapitalista ng danyos sa perhuwisyong ibinunga ng welga. At walang matatanggap na benepisyo sa kanyang pagkakatanggal ang manggagawang lumabag sa AJ.

Ikaapat. Pwedeng ipakansela ang rehistro ng unyon o pederasyon. Pagsupil din ito sa right to self-organization.

Ikalima. Pwedeng kuhanin ng Kalihim o Pangulo ang tulong ng lahat ng law enforcement agencies para ipatupad ang kautusang back-to-work. At ang hakbang na ito ng gubyerno at kapitalista ang pinagmumulan ng madugong labanan sa piketlayn.

Ginawang legal ng AJ ang paggamit ng strike breaker na dating bawal. At mga unipormado pa na pinasusweldo ng mga manggagawa ang dumudurog sa piketlayn kagaya ng nangyari sa Hacienda Luisita at marami pang ibang nauna.
Kung susumahin, ang apat na mayor na konstitusyunal na karapatan nating mga manggagawa—kaseguruhan sa trabaho, sama-samang pakikipagtawaran, sariling organisasyon at magwelga—ay pare-parehong binabalewala o sinusupil ng AJ. AJ na mula lang sa utos ng iisang tao, ang Kalihim ng Paggawa! Dapat nang ibasura o pawalang-bisa ang AJ!

5. ON CLOSURE: MANDATORY TRUST FUND SA RETIREMENT AT SEPARATION PAY. ISABATAS!

Isabatas ang Mandatory Trust Fund ng mga kapitalista sa Retirement at Separation Pay Benefit ng mga manggagawa/empleyado. Sa mga kumpanya/establishment na tumagal na ng tatlong (3) taon sa kanilang operation ay agad nang ilagak sa bangk (Trust Fund) ang Retirement, Separation Benefit ng kanyang mga empleyado/manggagawa. Upang hindi na maulit ang nagyari sa Novelty Phils. Inc. Na, matapos ang 50 years operation nito sa ating bansa ay basta na lamang lumayas ang mga Hudyong nagmamay-ari nito (tinakasan) ang.mga obligasyon nito sa kanyang mga empleyado/manggagawa. Ang sinumang kapitalista na hindi tutupad nito ay agad na alisan ng pangkisa sa pag-nenegosyo.

6. ON WAGE INCREASE

REGIONAL WAGE & PRODUCTIVITY BOARD BUWAGIN!
SUPPORT THE P125.00 LEGISLATED WAGE INCREASE NATIONWIDE ACROSS THE BOARD AND ADVOCATE THE LIVING WAGE!

Rasyunale:

Noong Dekada 70-80 sa panahon ng Pasistang Diktadurang Marcos (Martial Law), bawal ang mag-unyon at mag-welga, maging ang mga pagtitipon. Gayunpaman, ang paraan ng pagtatakda ng Minimum na pasahod ng mga manggagawang Pilipino ay pambansa ang katangian at saklaw. Sa pamamagitan ng mga Presidential Degree at mga Executive Orders.

Ngunit, noong 1975, binasag ang Martial Law ni Marcon at ang katahimikan ng kilusang unyon sa bansa ng welga ng La Tondena Distelery. Mula noon sumulong at sumigla na ang kilusang unyon at welga ng mga manggagawang Pilipino. Hanggang sa magsanib ang pwersa ng paggawa at buong bayan sa pamamagitan ng Peoples Power sa EDSA noong Feb. 22-26, 1986. Bumagsak ang diktadarang pamahalaan ni Marcos at iniloklok ng Peoples Power si Ginang Cory Aquino. Asawa ng Pinaslang na si Ninoy Aquino. Ideniklarang Provisional Revolutionary Government (PRG) ang pangangasiwa sa bansang Pilipinas.

Upang makabuo ng bagong saligang batas ang PRG, nagpatawag ng Con-Con si Ginang Cory Aquino upang balangkasin ang bagong Kontitusyon at pinatibay ito sa pamamagitan ng national referendum noong 1987.

Ang 1987 Philippines Constitution ay hamak na maunlad kaysa 1945 at 1973 Contitution ni Manuel L Quezon at Marcos kung ang pag-uusapan ay kodego ukol sa karapatan nating mga manggagawa. Sapagkat, nasasaad sa Art. 13, Sec. 3 ang mga deklarasyon at katagang. . . “The State affirms labor as a primary social economic force. It shall protect the rights of workers and promote their welfare”. “The State shall afford full protection to labor, local and overseas, organize and un-organize, and promote full employment and equality of employment opportunities for all.” “ It shall guarantee the rights of all workers to; Self Organization, Collective Bargaining and Negotiations, Peaceful Concerted Activities, including the right to Strike in accordance with law. “They shall be entitle to; Security of Tenure, Human Conditions of Work, and a Living Wage. “They shall; Participate in Policy and Decision Making Processes Affecting their Right and Benefits. “The State shall regulate the relation between workers and employers, recognizing; the right of labor to its just share in the fruits of production.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagamit ng mga manggagawang pilipino ang konstitusyunal na karapatang sinasaad ng 1987 Philippines Constitution. Upang obligahin ang Kongreso na magsabatas ng dagdag na sahod. Sa pamamagitan ng 5 araw na Gen, Industrial Strike ng mga manggagawa ng NCR noong 1988, pinagtibay ang Republic Act (R.A.) 6040 na nagtataas ng P25.00 wage increase, nationwide across the board.

Ngunit, noong 1988-1989, sa kasagsagan ng mga Kudeta, naipuslit ng kongreso sa pangunguna ni Ernesto “Boy” Herera (Secretary General ng TUCP at Congressman) ang kanyang Herera Law na tinawag na Republic Act. R.A. 6727 at R. A. 6715. Nag-aatas na dagdagan ang minimum wage ng halagang P20.00. Kasabay na isinabatas ang Regionalization wage fixing o wage rationalization Act noong June 9, 1989..

Dito nagsimula ang mga Regional Wage Board (RWB). Dito nagsimula ng pagkakaiba-iba ang sahod ng mga manggagawang pilipino kahit na iisa ang linya ng industriya ang pinagtatrabahuan. Dito nagsimula ang inggitan mismo sa hanay ng mga manggagawa. Dito nagsimula ang pag-igting ng pambabarat sa presyo ng sahod ng mga manggagawa, Dito nagsimulang pilayin ang kilusang unyon at manggagawa sa kabuuan. Dahil sa laganap na Unfair Labor Practices, Union Busting, Run Away Shop, Job Contracting Out at laganap na Contractual of employment.

Ang labing anim (16) na taong mga RWB?

Taong 1989 nagsimula ang mga Regional Wage Board.. 2005 na tayo ngayon. Ibig sabihin 16 years ng umiiral ang mga RWB. Pero nasa Wage Order # 10 lamang tayo ngayon sa NCR at ibang rehiyon. Ngunit, dito sa rehiyon 4 CALABARZON AREA na halos 55% ng ekonomiya ng bansa ay narito, highly industrialize, pugad ng mga kompanyang multi-national corporation at trans-national corporation ay nasa P259.00 ang minimum wage sa Current employee at P249.00 sa mga new employees. Wage Order # 9 & 10 na pinagtibay ng RWB noong ika-31 ng Agosto, 2004 at. June 16, 2005 na P10.00 at P7.00 sa January 1, 2006

Malinaw na ang Wage Order # 9 and 10 ay salamangka, hindi lamang layuning bawasan o pababain ang minimum wage sa CALABARZON AREA kundi ilagay nito sa panganib ang seguridad sa trabaho at karapatang mag-unyon at makipag-CBA ng mga manggagawa. Siguradong maiingganyo ang mga kapitalista na palitan ang mga regular nilang empleyado ng mga kontraktwal, para pababain ang sweldo, wawasakin ang mga unyon at babawiin ang mga naipanalo ng CBA ng mga manggagawa.

Una; Ang Wage Order # 9 na pinagtibay ng RWB DOLE Region 1V-A noong Agosto 31, 2004 ay hindi naglalayon na itaas ang Minimum Wage ng mga Manggagawa ng Calabarzon, bagkos pababain pa lalu ang minimum wage na P237.00 sa kasalukuyan.

Ikalawa: Ang Wage Order # 9 na pinagtibay ng RWB DOLE Region 1V ay hindi lamang paglalayon na pababain ang minimum wage, higit sa lahat nilalayon nito na ilagay sa panganib ang seguridad sa trabaho at mga manggagawa, unyon at CBA naming mga manggagawa.

Dahil sa pinababa nito ang minimum wage, bulnerable na magpalit ng mga empleyado ang mga kapitalista. Tanggalin ang mga regular na empleyado, na matataas na ang sweldo at palitan ito ng mga Contractual na mas mababa ang sweldo, kapag nangyari ito, malalanos ang mga unyon at CBA nating mga manggagawa sa Calabarzon Area. Gaya ng nangyari sa Unilonseal, Dart Phils. At iba pa.


Tingnan natin ang pangunahing ginamit na panuntunan ng Regional Wage Board sa pagsasabatas ng W. O. # 9.

1. Rasyunale:

Ang Layunin daw ng W.O. # 9 ay pangunahin na makapagluwal ng mga bagong empleyado at makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan. Sa ganitong pananaw hindi pagpapataas ng sweldo ang layunin ng W. O. # 9, kundi pababain ang sweldo. Dahil, para maakit mo ang mga mamumuhunan, kailangan mababa ang sweldo, walang unyon at CBA ang mga manggagawa at matiyak na walang magaganap na Welga.

2. Scope of Coverage: (Binago at ginulo ang dating Wage Order # 8).

Isinagawa ang Re-classification ng bawat Probinsya at Bayan sa batayang Industrialize at Urbanize na bayan, binago at pinaliit ang saklaw ng Extended Metropolitan Area, Growth Corridor Area, ibinaba/inilipat sa Emerging at Resource Base Area. Dito katawa-tawa ang bumubuo ng RWB, lumalabas na mas Urbanize at Industrialize ang San Pedro at Binan, kumpara sa Sta. Rosa City, Calamba City, San Pablo City, Cabuyao at Sta. Cruz Laguna. Sadyang iniwasan ng RWB ang mga Bayan ng Sta. Rosa, Cabuyao, Calamba-Canlubang, Bay, San Pablo (Laguna) Carmona, Damarenas, GMA, Gen. Trias, Trece Marterez Imus, (Cavite) Sto. Tomas, Tanauan, Malvar, Lipa, San Pascual, Mabini, Bauan, Batangas City (Batangas) Tiaong, Candelaria, Sariaya, Lucena, Pagbilao, (Quezon), Antipolo, San Mateo, Montalban, Angono, Binangunan, Tanay, (Rizal). Dahil narito sa mga bayang ito ang mga Indutrial Center at karamihan ng mga Pabrika at manggagawa ng CALABARZON.

Sapat na ang 16 na taong pag-iral nito. Sapat na ang 16 na taong performance nito, Hindi nito napaunlad ang ekonomiya ng bansa at buhay ng mga manggagawa, bagkos, nagamit lamang ito ng mga kapitalista para sa higit pang pagsasamantala sa talino at lakas paggawa ng mga manggagawang pilipino. Patunay nito ang karumal-dumal na Wage Order # 9 ng Region 1V-A (CALABARZON AREA).

INUTIL ANG MGA RWB, DAPAT AT NAPAPANAHON NA ITONG BUWAGIN AT MULING AKUIN NG KONGRESO ANG PAGTATAKDA/PAGSASABATAS NG SAHOD SA MGA MANGGAGAWANG PILIPINO NA PAMBANSA ANG KATANGIAN AT SAKLAW.


P125.00 WAGE INCREASE (ATB) FOR URGENT WAGE RELIEF!
SAHOD NA MAKAKABUHAY NG PAMILYA, LIVING WAGE ISABATAS!



BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO
CALABARZON CHAPTER
Ika-29 ng Enero, 2005

Laguna Labor Leader Shop Dead

Email this articleComment on this article
News :: Civil & Human Rights : International Relations : Labour : Protest Activity
Philippines: Another militant labor leader shot dead in Laguna

Four young assassins shot dead another militant labor leader in the Calabarzon area past eight this morning. Killed on the spot was Andrew “Bok” Iñoza, union president, for 11 years now, of Alaska Milk in San Pedro Laguna.
Iñoza is also the chairman of party-list labor group Partido ng Manggagawa (PM) in the 1st District of Laguna and a council member of Bukluran ng Manggagawang Pilipino (Union of Filipino Workers - BMP) - Laguna.

Iñoza’s death came only a week after foreign businesses called the attention of the Arroyo government to stop political killings. It also came a week before the celebration of Andres Bonifacio’s Day, where big rallies are being planned in the Calabarzon area, in Manila and other urban centers around the country.

According to initial reports gathered by the BMP chapter in Laguna, Iñoza was on his way to work around eight o’clock in the morning when four assassins who were waiting for him along the Cataquiz II subdivision shot him at close range. He died on the spot after sustaining seven bullet wounds, two hitting his head. Nine empty shells were found at the crime scene. Iñoza’s body is now at Funeraria Alvarez in Bgy. Nueva, San Pedro Laguna.

Ronnie Luna, BMP chair in the Calabarzon area, condemned the killing and blamed the Arroyo government for failing to stop the spate of political killings in the country.

Luna describes Iñoza as one of the dedicated and promising labor leaders in the region, thus, his death is probably meant to threaten labor other leaders in the region by sending a chilling message that the Calabarzon area has indeed become a killing zone with the most number of labor leaders killed under the Arroyo regime.

“This is another case of political killing. With the growing number of unresolved cases of extra-judicial killings in the region and all over the country, Iñoza’s death just the same demands justice and we hold the Arroyo government responsible for this latest crime against the labor movement,” Luna said.

Iñoza is the 11th labor leader killed in Calabarzon under the Arroyo government. Another prominent labor leader killed in the area was Ding Fortuna of Nestle Philippines. Calabarzon area has been notorious in terms of violation of labor rights especially in the economic zones.

Workers in the Calabarzon area under the BMP and Partido ng Manggagawa will be paying daily tributes to Iñoza and will be holding mass actions in the region to demand justice.

“We will miss Bok in our future actions but he will always be here with us in the continuing quest for labor justice and social change in this country,” Luna concluded. ###

November 21, 2006
Reference: Mr. Ronnie Luna
BMP-ST Chairman

Bukluran ng Manggagawang Pilipino-Southern Tagalog

_____________________

A cowardly act by enemies of labor

by Partido ng Manggagawa (Workers Party)

The ambush slaying of Andrew “Bok” Iñosa, president of the Alaska labor union and chairperson of the Partido ng Manggagawa in the first district of Laguna, is a dastardly and cowardly act by personalities or groups whose principles and interests are anti-worker. We can think of no motive behind his killing than to silence a defender of labor and terrorize the workers of Laguna.

As a local union president and PM leader, Bok Iñosa was in the forefront of struggles, campaigns and initiatives for the welfare and interests not just of workers of the Alaska but also of labor in general.

While it would be unwise to rule out all angles, we believe his assassination cannot be unconnected with the escalating wave of political killings all over the country and the heavy hand of state repression against the labor movement.

The iron fist of repression is bearing down heavy on the working class movement. In September military men held an anti-communist teach-in for the union leaders of Manila Bay Spinning Mills in Marikina. Before that, they held the same seminar for the union of Armscor also in Marikina. The vicious agenda of this harassment is clear—to strike fear in the hearts of workers and terrorize them against political involvement. With a terrorized and docile labor, it will be easier to cheapen the price of labor power.

We hold the administration of Gloria Arroyo ultimately accountable for Bok Iñosa's death for even if it is not the mastermind behind the death squads running amok, its inaction on the political killings is goading the enemies of labor to act with impunity. ###

November 21, 2006
Gerry Rivera
National Vice-Chairperson
Partido ng Manggagawa
www.partidongmanggagawa.org.ph/
_____________________

Statements on the killing of another labor leader in Laguna
by BISIG (Union of Filipino Socialists)

BISIG vehemently condemns the assasination of comrade Andrew Inoza. We are one with the whole progressive movement in condemning this treacherous act by the perpetrators whose only objective is to silence the strong voice of dissent and struggle of the poor against the oppression of the elite.

This is a clear sign of the continued and escalating attack to the whole progressive movement. There is no doubt the those behind these killings are the ones whose interests-- specially the GMA regime and its elite cohorts- are being threatened once the tables were turned against them as a result of the revolutionary work of the leaders, like Ka Andrew and the rest of us are pursuing,-- in creating a better future for our country and our children.

We extend our deepest sympathy to comrades in BMP, PM, and friends and relatives of Ka Andrew. We know that his dreams will never die and will be kept burning by us who believe and are one with his belief and struggle.

in Solidarity,
Ed Chavez

www.filipinosocialist.org/
_____________________

www.labanngmasa.org/

Ang Programang Pabahay ng Gobyerno

Ang Programang Pabahay ng Gobyerno

Sa kasalukuyan ay matindi na ang diskreminasyon sa pag-eempleyo. Ginagawang hanap buhay na ng ilang indibidual na tao ang paghahanap ng empleyo o pamamasukan ng mga manggagawa. Laganap na ang mga LOC na labag sa batas ayon sa Art. 106 ng Labor Code.. Dagdag pa, ang dami nang itinatakdang rekisito ng mga kapitalista/management sa pagtanggap ng empleyado. Nariyan ang Age Limit (18-25 year old), Personalidad (may itsura, matangkad, kaakit-akit) College Graduate. Talamak ang gawi ng mga kapitalistang ito sa area ng Calabarzon (mga Industrial Park/Centers) at mga Commercials Centers na kung tutuusin labag ito sa ating Saligang Batas at Batas Paggawa Art. 13, Sec. 3

Kaugnay nito, hindi na namin makayanan mabayaran ang aming buwanang hulog, dahil sa kawalan ng regular na pinagkakakitaan at trabaho, Karamihan sa amin ay biktima ng tanggalan at pagsasara ng mga pabrika, hindi na kami matanggap sa mga pabrika (diumano’y) kami ay mga over-ages na. Ang aming mga anak naman ay hindi maregular sa trabaho, dahil sa laganap na kontraktwalisasyon sa empleyo.

Masakit nito, papalaki ang aming pagkakautang, dahil sa bukod sa 9% interes sa bawat taon ang aming utang, Compounded interes pa ito ng 1/15 sa 1% interes araw-araw kapag kami ay maantala sa pagbabayad. Gaya nga nang nangyayari na ngayon.

Kasabay nito, kami ay pinadalhan na ng Bahay Financial Services Inc. (Balikatan) ng Notice na nagbabantang i-forclose at palayasin kami sa aming mga bahay.

Mahal naming Pangalawang pangulo, hindi naming itinatanggi ang aming pagkakautang,. Hindi kami tumatangging magbaya. Pero iba na ang kalagayan namin ngayon, kaysa kalagayan naming noon. Kami ay magbabayad sa aming pagkakautang. Ngunit nais naming muna liwanagin ang; Una: pagpasok ng BALIKATAN Bahay Finacial Service. Ikalawa: nais namin na 20% lamang ng aming kabuuang arawang kita ang aming ibabayad sa aming obligasyon ukol sa Pabahay. Ikatlo: hinihiling namin ang tulong ng ating pamahalaan na kami ay magkaroon ng Regular na Empleyo o regular na pagkakakitaan.

Noong dekada 60 hanggang 80 ay masasabi nating ang programang pabahay ng gobyerno ay nakakatulong sa maralitang mamamayan. Sa pangasiwaan ng Ministry of Human Settlement/ NHA / NHMFC ay nabiyayaan ang mga manggagawa at maralitang mamamayan ng abot kayang halagang pabahay ng pamahalaan.

Ngunit noong 1987 ng maisabatas ang Executive Order # 7 (Philipines Privatization Program on Housing) ng isapribado ang programang pabahay ng pamahalaan, kasama ang mga pampublikong ari-arian at mga pasilidad sa serbisyo, gaya ng;

Dito sumulpot ang HUDCC / NHA / NHMFC, Pag-ibig, SSS, GSIS para sa Housing Loan Program. Kasabay na isinapribado ang mga Government Owned and Controlled Corporation (GOCC). May tatlong (3) stage ang pagsasapribado ng mga pampublikong pag-aari:
1st = GOCCs at mga nabawing yaman kay Marcos ng PCGG
2nd = Power, Water, Basic Services
3rd = Communication, Education, IPRs, Frontline Services
Noong 1992 (panahon ni Ramos) ganap na ipinatupad ang privatization program na sinimulan ni Cory Aquino. Itinayo ang National Shelter Program (NSP) para sa pabahay. Pumasok na ang mga Private Contractors, Developers, mga Bangkero (mga Kapitalista) na pinagkalooban ng gobyerno ng mga mga insentibo, gaya ng Free Tax, Bank Subsidy at mga. License Fees.

Itinayo din ang Unified Home Lending Program (UHLP). Dito inilagak ang pera ng SSS na halagang P25 Bilyon, GSIS na halagang P5 bilyon, Pag-Ibig na halagang P10 bilyon. Ang P40 bilyong pera ng mamamayan (SSS/GSIS/Pag-Ibig Members) ay muling ipinautang ng NHMFC sa mga manggagawa na member ng SSS, GSIS, Pag-Ibig na may tubo (interest) na halagang 11.75%. sa bawat taon. Sa madaling salita, ginigisa tayo sa sariling mantika.

Gayundin ang P24 bilyon (One Shop) Housing Fund Subsidy ng Gobyerno na galing sa National Budget ay hindi napapakinabangan ng mamamayan. Ang lubos na nakinabang dito ay ang mga Developers, Bangko at iba pang Kapitalista na pumasok sa “Proyektong Pabahay” ng Gobyerno.
Noong 2002 = Isinabatas ang Special Purpose Asset Vehicle (SPAV) Law.
@ Ang mga Non-Performing Assets, kasama na housing ay ipinagbili para magkaroon ng pondo ang gobyerno. P220,000 housing account ng UHLP - Unified Home Lending Program. 185,000 unit dito ang delinquent.
Noong May 18, 2004 = Ang 55,000 housing account (Unit) na nagkakahalaga ng P40 bilyon ay ipinagbili ng NHMFC sa halagang P13.4 bilyon lamang sa Deutch Bank (German Bank) Ipinagbili ng 33.5% lamang P13.4 bilyon ang halagang P40 bilyon.

Kung ang P40 bilyon ay hahatiin sa 55,000 unit, nagkakahalaga ito ngayon sa P727,000.00 per unit. Pero ibinenta lamang ito ng gobyerno NHMFC sa Deutch Bank ng halagang P243,000.00 per unit. Ibig sabihin, sa bilihan pa lamang ay maliwanag na agad ang kita na 66.5% o P26.6 bilyon kita ng bumiling Deutch Bank (German Bank). At muli itong kikita dahil muling ibebenta ang bawat unit sa mga manggagawa sa halagang P727,000.00 per unit.

Ang ating pagsusuri at Paninindigan sa Programang Pabahay ng Gobyerno: Paliit ng paliit ang pondo na ibinibigay ng gobyerno para sa pabahay. Malaking papel sa mga pabahay ngayon ay ginagampanan na ng mga kapitalista, Developers, Contractors ng mga housing units. Mula sa dating Subsidize ng gobyerno ang pabahay sa mga Urban Poor Resettlement, Relocation at CMP, sa ngayon ay wala na. Dahil sa pinababayaran na ng NHA ang programang PABAHAY ng gobyerno sa maralita.

Dati bumibili ang gobyerno ng lupa para ibigay sa mahihirap na mamamayan. Ngayon binibili ng gobyerno ang lupa para ipagbili naman sa mga naghihirap na mamamayan na nais magkabahay.

Kung gayon, ang NHA ngayon ay Developer na rin. Ang Pabahay ng Gobyerno na dating serbisyo at obligasyon ng gobyerno, ngayon ginawa ng negosyo ng gobyerno.

Sapagkat ayaw ng mga kapitalistang (Neo-Liberal) na pumapapel ang gobyerno sa serbisyong pabahay dahil hindi daw maganda na kinukumpitensya ng gobyerno ang mga kapitalista. Sa mata at isip ng mga kapitalista hindi uunlad ang merkado ng pabahay (Housing Market). At lalaki daw ang gastos ng pamahalaan sa mga walang kwentang serbisyo. Gaya ng; Pabahay, Edukasyon at iba pang serbisyo ng pamahalaan. Ito ang batas ng kapitalista sa malayang kalakalan, sa malayang merkado o pamilihan. Batas ng negosyo na lalong nagbabaon sa kumunoy ng kahirapan sa mayoryang populasyon ng ating lipunan.

Para sa mga Neo-Liberal na (Kapitalista) ang merkado daw ang siyang tagapaglikha at mamamahagi ng serbisyo at produkto sa mamamayan. Dapat daw ang tungkulin ng gobyerno ay pangasiwaan ang kasiguruhan sa kapayapaan (Peace and Order). Ang ibig sabihin ang sinumang mamamayan na tutuligsa sa mapagsamantalang sistemang kapitalista ay susupilin, aarestuhin at ikukulong ang iba panga ay pinapaslang. Sa pakahulugan ng kapitalista at gobyerno nito. Isang kremin na pala ngayon ang humiling ng Serbisyong Pabahay, Edukasyon, Kalusugan at Kabuhayan.

Mga Kapatid at Kababayan,
Tayong mga Manggagawa at Maralita ay 90% ng 84 milyong kabuuang populasyon ng ating bansa. Tayo ang tagapaglikha ng lahat ng yaman ng bansa o pangangailangan ng ating lipunan.

Tayo ay regular na nagbabayad at sapilitang kinukolektahan ng dalawang uri ng buwis. Income Tax o Withholding Tax na 5% hanggang 30% sa ating kabuuang arawang kita. Expanded Value Added Tax (E-VAT) na 12% sa lahat ng produktong ating binibili at mga bayarin sa serbisyo. Gaya ng kurtente, tubig, hospital bills, gamot, matrikula, Attorneys Fees at paglilibang o panonood ng sine.

Karapatan nating mga manggagawa at maralita ang magkaroon ng desenteng trabaho at paninirahan. Obligasyon ng gobyerno na ipagkaloob sa mga manggagawa at maralita ang murang PABAHAY, BILIHIN at mga bayarin sa serbisyo. Gaya ng serbisyong pabahay, kalusugan, edukasyon, kuryente, tubig at pamasahe.
Ang pabahay at iba pang serbisyong panlipunan para sa mahihirap na mamamayan ay obligasyon ng ating Pamahalaan sa kanyang mamamayan. ANG PABAHAY SA MARALITA AY SERBISYO, HINDI NEGOSYO!

TRABAHO AT PABAHAY, IPAGLABAN!
REGULAR NA TRABAHO, HINDI KONTRAKTWAL!
ABOT KAYANG PABAHAY AT SERBISYO IPAGKALOOB NG GOBYERNO!

Basic Course on Trade Unionism

BMP Bukluran ng Manggagawang Pilipino
CALABARZON CHAPTER
Unit # 3 Groyon Aprt. Rizal Park Subd., Brgy. Real Calamba City
Tel. / Fax # (049) 834–26-04

Batayang Kurso sa Pang-uunyon:
(BCTU)
BALANGKAS NG KURSO:
I. ANG MANGGAGAWA AT KAPITALISTA
II. ANG PAGTATAYO NG UNYON ( ANG NAGTULAK AT DAHILAN )
III. ANG GRIEVANCE AT NILALAMAN NG CBA
IV.ANG SAMA-SAMANG PAGKILOS AT WELGA
V. ANG UNYON AT KILUSANG MANGGAGAWA SA KABUUAN

Manggagawa:
1. Mga taong nabubuhay sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang lakas paggawa
2. Mga taong walang pribadong pagmamay-ari sa kagamitan sa produksyon.
3. Mga taong direktang lumalahok sa produksyon (gumagawa ng produkto).
4. Kabayaran sa lakas paggawa (Sahod) ang pangunahing interes upang mabuhay.
5. Organisado at disiplinado.
6. Pangunahing uri na naghahangad ng pagbabago.
@ 80 % ng populasyon ng bansa.

Kapitalista:
1. Mga taong nabubuhay mula sa pagod at pawis ng iba.
2. Mga indibidual na nagmamay-ari ng mga kagamitan sa produksyon.
3. Hindi lumalahok sa produksyon. Bumibili ng lakas paggawa.
4. Tubo ang pangunahing interes nito.
5. Indibidualista at makasarili, ganid at mapagsamantala.
6. Ayaw ng pagbabago.
@ 20% ng populasyon ng bansa.

II. ANG PAGTATAYO NG UNYON ( ANG NAGTULAK AT DAHILAN )
 Sa normal na proseso ng pag-uunyon ang mga dinadaan nito ay ang mga ss:
*Union Bldg ---Registration --- CE ---CBA--- CBA Maintenance---Review on (a) CBL (b) CRR, Reso --- Local Election. Welga kung may malalang ULP at CBA Deadlock.
 Sa atin ang direction natin mula sa walang alam ang mga manggagawa, sa pagtatayo ng unyon, kailangan maitaas ang kanilang kamalayan, magkaroon sila ng sosyalista o makauring kamalayan.

Una: Ipwesto ang pananaw na ang pag-uunyon ay iniluwak o tulak ng umiiral na class struggle, partikularsa loob ng pabrika at sa buong lipunan sa pangkalahatan..

Ikalawa: Ipakita ang kahalagahan ng gawaing pakikipagkapatiran sa mga manggagawa at organisasyon ng mga manggagawa. Pagdalo sa mga talakayan ng mga alyansa at BMx.

Ikatlo: Ipakita ang pangangailangan na maitaas ang unyon sa makauring kamalayan. Magamit ito sa pagbabalangkas ng programa at mga aktibidad ng unyon.

Ikaapat: Laman ng programa ng unyon sa loob ng limang (5) taon kontrata sa pag-iral nito sa ilalim ng ating pamumuno. ( Mission, Vision, Goal ng unyon in 5 year)

@ Title IV Chapter I, Art. 234 Labor Code. Art. XII, Sec. 3 Phil. Constitution.

- Pag-iral ng tunggalian ng mga uri at interes ng mga uri ang obhetibong batayan sa pagtatayo ng unyon. Paglalayon ng mga manggagawa na magkaisa. Upang protektahan ang seguridad sa trabaho, kaligtasan sa lugar paggawa, magkamit ng sahod at benepisyong makakabuhay ng pamilya.

Paraan ng pagtatayo ng unyon

1. Bagama’t legal at ginagarantiyahan ng batas ang karapatan sa pagtatayo ng unyon, naoobligang sikretong nag-oorganisa ang mga manggagawa hanggang sa makarating sa paghahain ng rehistrasyon ng kanilang unyon sa DOLE-BLR, saka pa lamang nakakalantad.

2. Kahit rehistrado na ang unyon, kailangan pa rin maghain ng PCE upang mabigyan o kilalanin sila ng kanilang employer bilang SEBA (Sole and Exclusive Bargaining Agent).

3. Sa pagtatayo ng unyon, kailangan makabig o makumbinsi ang higit na mayorya (80%) ng mga manggagawang sinasaklaw (Appropriate Bargaining) ng kumpanyang tatayuan ng unyon.

4. Sa pagtatayo ng unyon, dapat kilalanin na ito ay tunggalian ng uri at interes ng magkakasalungat na uri, (uring manggagawa at uring kapitalista) kaya natural dito ang mga sakripisyo at panganib. Gayumpaman, ito ay maaaring maiwasan o mahadlangan, kung solidong nagkakaisa ang mga manggagawa.
5. Sa pagtatayo ng unyon, maaring sabihin o ipagmalaking may unyon ka na, kung ito ay nakarating na sa pormal na kasunduan o kontrata (CBA).

III. ANG GRIEVANCE AT NILALAMAN NG CBA

@ Title VII-A, Art. 260 Labor Code,
@ Ang Grievance ay – Isang hinaing ng tao o organisasyon bunga ng aksyon ng isang tao o grupo, bunga ng kalagayan na naging dahilan upang magreklamo at makipaglaban.

Sa relasyon ng paggawa at tunggalian ng uri ang grievance ay nagmumula sa:

1. Interpritasyon o pagpapatupad ng kontrata sa pagitan ng manggagawa at kapitalista.
2. Pagpapatupad ng patakaran ng kompanya o kakulangan ng mga pantaong serbisyona nakaka-apekto sa kagalingan ng mga manggagawa.
3. Paglabag o hindi pagpapatupad sa itinatadhana ng Batas.
4. Pagsikil sa mga batayang karapatang pantao.
5. Mga pangyayari sa labas ng pabrika na umaapekto sa kalagayan ng mga manggagawa. Ito ay tuwiran o di-tuwirang epekto sa social, political at economic na mga isyu na nakakaepekto sa mga manggagawa. (Gaya ng pagtaas ng langis at presyo ng mga bilihin, Pagbaba ng hakaga ng piso kontra dolyar, Pagtaas sa singilin sa serbisyo, Digmaan ng mga bansang kapitalista, mga batas na sumisikil sa karapatang mag-organisa, makipag-CBA at magwelga ng mga manggagawa).

May apat (4) na uri ng grievance

1. Makatwiran at lehitimong grievance – Ito ay hinaing na batay sa pagsisiyasat at sa pinagmulan ng paglabag ay kayang ipangatwiran, totoo, at kayang iresolba sa balangkas ng relasyon ng paggawa.
Hal. Non Compliance of Labor Standard at CBA (Art. 4 at Art. 100 Labor Code)

2. Makatwiran ngunit hindi lehitimong grievance – Mga hinaing ng manggagawa na bagamat makatwiran ay walang control o responsibilidad ang management na lutasin ito. Madalas ang ganitong hinaing ay sa pagitan ng mga manggagawa na kung i-aayos ng management ay maaring makalikha ng paghina ng unyon. Hal. Art. 246 Labor Code : Non-Abridgement of right to self org.

3. Gawa-gawang grievance – Isang uri ng grievance na pagkatapos ng imbistigasyon ay napatunayan ng may kinatawan na nagkamali ng pagkaunawa ang manggagawa o kaya ay nagsinungaling sa pagbibigay ng datos. Hal. Pagnanakaw, Paninira ng gamit ng kumpanya, pananakit sa kapwa.

4. Borderline grievance – Ito ay isang sitwasyon na kung saan ang isang hinaing ay nasa pagitan ng lehitimo at hindi lehitimong grievance.
Hal. Pagpapatupad ng suspension na itinaon sa legal holiday (Art. 100 Labor Code).




Ang CBA at nilalaman nito:

1. Ang CBA ay aktwal na tunggalian ng interes ng uring kapitalista at manggagawa. Gayunpaman, ang pakikipaglaban sa CBA ay isang kompromiso at pang-ekonomiyang reporma ng mga manggagawa sa antas pagawaan sa kasalukuyan.
2. Ang CBA ay kulumpol ng mga kahilingan ng mga manggagawa o organisasyon ng mga manggagawa sa kanilang employer.

3. Naglalaman ito ng mga Pam-pulitika, Pang-ekonomiya at Pang-sosyal na mga kahilingan.

4. Sa simula, ipinaglalaban ito sa paraang mapayapa. Pero kung minsan ay humahantong ito sa isang marahas na labanan, lalu’t kung may katangiang pusakal ang employer at malakas ang kapit sa gobyerno. Ngunit, anu’t-anuman ang abutin ng labanan nito ay palaging mauuwi sa isang kompromisong pagkakasundo.

IV.ANG SAMA-SAMANG PAGKILOS AT WELGA

@ Ang sama-samang pagkilos ng mga manggagawa ay ginagarantiyahan n gating batas paggawa at saligang batas. Ngunit ito ay may limitasyon sa salitang Lawful at Unlawful. Sa kasalakuyan, lalong sumikip ang ispasyo sa paglulunsad ng mga sama-samang pagkilos ng mga manggagawa, dahil sa pagdami ng mga restriksyon dito ng gobyerno at mga kapitalista.
1. Gayunpaman, likas sa uring manggagawa ang hindi magpahangga sa mga umiiral na batas at patuloy na maging mapangahas sa pakikibaka, dahil ang uring ito ay palagiang api at pinagsasamantalahan ng uring kapitalista at gobyernong umaaktong instrumento ng uring kapital.

2. Maraming anyo at porma ng sama-samang pagkilos ang maaring isagawa o ilunsad ng unyon at mga manggagawa. Gaya ng ; Petisyon, Deligasyon, Ribbon Wearing, Streamers Hanging, Boykot Overtime, mga protest piket, rally at Welga. Depende ito sa grabidad at popularidad ng kahilingan at balansehan ng pwersa. Gayundin ang pagkokonsedira at pagsalang sa posibleng kontra atake ng kapitalista. Ika nga ng isang kasabihan; “If you know your enemy and your self, you can win thousand of battle”.
Art. 263(b) Right to Strike
Art. 263(c) Bargaining Deadlocks
- Union may file Notice of Strike (N.O.S.) may file at least 30 days before the intended date thereof.
- Unfair Labor Practices (ULP) shall file 15 days
- Union Busting (Dismissal of officers- duly elected) 15 days cooling-off period
- shall not apply> union may take action immediately.
Art. 263(g) Assumption of Jurrisdiction (AJ)

NOTE: Strikable
- Bargaining Deadlocks
- ULP > Violation of CBA
Non-Strikable
- On wage > Except flagrant and/or malicious refusal to comply with its economic provisions.
- Grounds involving inter-union and internal union disputes or issues brought to Voluntary Arbitration (VA) or Compulsary Arbitration (CA).

Art.263(f) Strike Vote
- Must Approve by majority of total union members (50%+1) / bargaining unit.
- Voting must be secret balloting
- Result of election must furnish the office of the secretary (OS) at least 7days before the intended strike.

V. ANG UNYON AT KILUSANG MANGGAGAWA SA KABUUAN
1. Ang lokal na unyon o samahan ng mga manggagawa ay itinatayo hindi lamang sa sarili nilang proteksyon sa paggawa laban sa partikular nilang employer.

2. Ang mga lokal na unyon ay nagsisilbing binhi at behikulo ng mga manggagwa tungo sa malawak na pagkakapatiran at pakikibaka ng uring manggagawa sa pangkahalatan laban sa sistemang kapital.

3. Sa panahon ngayon ng globalisasyon, napaglilipasan o hindi na uubra ang kanya-kanyang lokal na pagkakaisa at pakikibaka.Kailangan natin ngayon ang kuyog-kuyog na pakikibaka. Isakatuparan ang slogang; Manggagawa sa lahat ng bansa magkaisa! Ang laban ng isa ay laban ng lahat!

4. Ang mga kapitalista ay nagkaisa na sa pandaigdigang saklaw laban sa paggawa. Samantala tayong mga manggagawa ay nananatiling nagkakanya-kanya.

5. Dito pumapasok ang kahalagahan ng gawaing alyansa at pakikipagkapatiran sa ibat-ibang unyon anumang pederasyon ang kanilang kinaaniban. Kahalagahan ng walang pagod at patuloy na pag-oorganisa sa mga kapatid nating manggagawang di-organisado at pagsanib sa sentrong paggawa na aktibo at walang humpay na nakikibaka tungo sa ganap na paglaya ng uring manggagawa sa tanikala ng pangbubusabos at pang-aalipin ng sistemang kapital.

VI. ANG PAGKAKAORGANISA AT STRUCTURE NG UNYON.

1. Sik-sik Sin-sin na pagkakaorganisa ang kailangan sa ating unyon. Ito ang epektibong depensa nating mga manggagawa laban sa partikular nating mga employer at sistemang kapital sa pangkalahatan.

2. Ito rin ang magsisilbing garantiyang depensa, upang protektahan ang mga naipagwagi na nating mga karapatan at kabuhayan.

3. Ito rin ang magsisilbing batayan para sabihin nating handa na tayong ilunsad ang opensiba ng paggawa laban sa kapital.

4. Itayo ang mga komite ng unyon sa lahat ng linya ng produksyon. Pahusayin ang serbisyo ng unyon. Ipalaganap ang aralin ukol sa Makauring Pagkakaisa, Kamalayang Makauri, Makauring Pakikibaka ng Uring Manggagawa.


ANG MGA MANGGAGAWANG PILIPINO:

Kalagayan 2005 October:

@ Total Labor Force 35.55 Million

Employed 32.9 Million

@ Wage and Salaried Workers 16 Million
1. Agricultural Workers
(Fishery and Forestry) 2.5 Million
2. Industrial Workers 5.5 Million
3. Service Workers 8.0 Million

Underemployed 7.0 Million or 21.2%
Unemployed 3.4 Million or 10.2%
@ Organized:
Labor Organization (Union) 17,021
Membership 1.597 Million
Existing CBA 2,810
Workers Covered 550,000
@ Hati-hati pa ito sa 9 na Labor Centers at 150 pederasyon at independent unions

DECLARATION OF POLICY Art. XIII Sec. 3
- Protection to labor
- Promotion of full employment and equal work opportunities
- Right of workers
a. Self-organization
b. Collective Bargaining Agreemant (CBA)
c. Peacefull and concerted activities/ Right to Strike
d. Security of Tenure
f. Just and Humane condition of work
g. Living Wage
h. Participate on policy and decision making process.

CADIWA CONSTI & BY LAWS

CALABARZON DISPLACED WORKERS ASSOCIATION (CADIWA)

Constitution and By-Laws

Preamble
We, the workers in Region IV-A comprise by the provinces of Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon (CALABARZON) having lost employment as a consequence of employers action to protect businesses against the impact of the Global Financial Crisis of 2008; aware of the significance of unity and solidarity to advance our aspirations, common interest, welfare and social securities in the framework of the International Labour Organization’s (ILO) Decent Work Agenda; and to regain our role in the society as productive forces of the economy; bond ourselves to constitute this association, do hereby adopt this code.

Article I
Name and Domicile
Section 1. This association shall be known as CALABARZON DISPLACED WORKERS ASSOCIATION with CADIWA as its acronym.
Section 2. The association shall establish a main office at Calamba City, Laguna and set-up branch offices in other provinces.

Article II
Principles and Objectives
Section 1. The modern generation of workers in the free market economy society are bounded to sell their physical and mental labor to employers in exchange of wages in order to acquire goods and services needed to sustain productive life and nurture the next generation of workers.
Section 2. Ironically, the present economic system, in spite of the immense surplus of wealth created through the interaction of labor and capital, billion of people suffer economic deprivation and injustice, cyclical economic crises occur that render employment and livelihood instability and the social protection inadequate.
Section 3. The Global Financial Crisis that erupted in the U.S., the most powerful economy in the world, validated the fundamental defects of the system. The working class movement should seek the truth and advance reforms to resolve the defects with finality. The current trend of stimulating the economy and providing safety nets are temporary solutions for pump-priming the market to salvage the defective system; hence, no end to the nightmare of economic crisis and the decent work agenda remains only an impossible dream.
Section 4. The association shall endeavor to facilitate various programs and projects towards reintegration of its members to the productive forces of the society.
Section 5. The association shall persevere in its advocacy for the creation of laws and policies that will broaden the scope of social securities including unemployment insurance or subsidy, discounts on basic commodities, restructuring of payments and deferment of penalties on loans.
Section 6. The association shall foster solidarity with other legitimate organizations, local and abroad, for the advancement of the decent work agenda and the dignity of labor.

Article III
Membership
Section 1. Workers in the CALABARZON affected by the Global Financial Crisis (GFC) are eligible for voluntary membership with the association:
a) Workers who have temporarily or permanently lost their jobs due to factors related to the Global Financial Crisis (GFC);
b) Overseas Filipino Workers (OFW’s) who have returned and reside in the CALABARZON after losing their jobs;
c) Workers under flexible work arrangements
Section 2. Application for membership:
a) An applicant for membership shall submit a credential as a proof of eligibility;
b) He/she shall submit a duly accomplished form of membership with the Membership Committee who shall accept or deny the application.
Section 3. Rights and duties of a member
a) Uphold the Constitution and By-Laws, protect the integrity and promote the principles and objectives of the association;
b) Attend and participate in the deliberation of agenda during assemblies and meetings;
c) Avail of the welfare programs and projects of the association suitable to his/her capability;
d) Participate in education and training program;
e) Participate, vote and seek elective position during election proceedings of the association;
f) Contribute voluntarily to the logistics and financial requirements of the association;
g) Share knowledge, information and skills among members;
h) Take part and organize cell as the basic unit of organization of CADIWA

Article IV
Leadership and Organizational Structure
Section 1. The General Assembly – is the highest governing body of the association composed of all the bona fide members convened annually every 1st Wednesday of March in a place determined by the Council of Leaders. The duties and powers of the General Assembly are:
a) To adopt and amend the Constitution and By-Laws;
b) To elect the Chairperson and the Council of Leaders
c) To review, approve, revise or reject annual report
d) To review, approve, revise or reject proposed plans and programs
Section 2. Quorum. The attendance of the majority of members shall constitute a quorum of the General Assembly.
Section 3. The Council of Leaders – the highest policy-making body between the annual General Assemblies.
a) The Council of Leaders is composed of seventeen (17) members proportionately distributed among the provinces. They shall elect among themselves the other members of the Executive Committee; namely, the Executive Vice-Chairperson, Vice- Chairperson for Political Advocacy, Vice-Chairman for Economic Affairs, Secretary-General, Deputy Secretary-General, Treasurer, Auditor, and Public Relations Officer
b) The Council of Leaders has the authority to formulate resolutions, action plans, and guidelines necessary for the successful implementation of programs and policies adopted by the General Assembly.
c) The Council of Leaders shall hold a regular quarterly meeting to evaluate the progress of programs and projects.
Section 4. The Executive Committee – is the official body that administers the day-to-day implementation of all the plans and programs of the association. The duties and responsibilities of its members are as follows:
a) Chairperson –
i. The chief executive officer of the association
ii. Preside over the meetings of the Council of Leaders, Executive Committee and General Assembly
iii. Acts as the official representative of the association
b) Executive Vice- Chairperson -
i. Assist the Chairperson in its function and perform other tasks assigned by the Council
ii. In the absence or incapacity of the Chairperson, he/she shall perform tasks designated to him/her by the Chairperson or by the Council. He/she shall take over the function of the Chairperson if the latter is incapacitated.
c) Vice- Chairperson for Political Affairs –
i. In-charge of the execution of the political plans and activities, advocacy for reforms and legislative agenda of the association.
ii. Establish political alliances and linkages with other organizations and personalities for the advancement of common agenda.
d) Vice- Chairperson for Economic Affairs –
i. Administer the execution of economic programs, skills and livelihood training and income generating projects for the members.
ii. Promote productive entrepreneural cooperativism among members.
iii. Manage information on job opportunities and channels for the reintegration of members into the productive forces of the society.
e) General Secretary –
i. Keep and maintain a complete registry of all members and records/minutes of all the meetings of the Executive Committee and the Council.
ii. Monitor and gather reports and updates on the progress of plans and activities of the association
iii. Provide notice of all meetings
iv. Perform other tasks prescribed by the Council
f) Deputy General Secretary –
i. Assist the General Secretary in its duties and functions
ii. Perform other tasks prescribed by the Council
g) Treasurer –
i. Take custody of all the finances, resources and assets and liabilities acquired by the association and maintain a complete record of all transactions.
ii. Pay all the financial obligations of the association as approved by the Execom or Council.
iii. Render report and certify the correctness of financial records.
h) Auditor
i. Install an effective and adequate system of check and balance in the financial transactions of the association.
ii. Keep, maintain and preserve all books of accounts, documents, vouchers, contracts and other records concerning the financial matters of the association.
iii. Certify the correctness of the financial statements of the association.
i) Public Relations Officer –
i. Manage the publication and general information dissemination related to the various affairs and advocacies of the association
ii. Establish relations and linkages with the sectors of mass media
Section 5. The Cells - the basic unit of the association. Every member shall belong to a cell for the purpose of strengthening unity, collective function and as a channel of communication and information among members and officers
a) A cell maybe composed of five (5) to ten (10) members closest to each other geographically or according to the nature of their common activities or projects.
b) A Team Leader shall be elected among the cell members to act as the head the unit.

Article V
Election and Appointment of Officers
Section 1. The Chairman and members of the Council of Leaders shall be elected during the annual General Assembly.
Section 2. The election shall be supervised by a Committee on Election formed by the Council two (2) months prior to the General Assembly. The Committee shall be composed of a Chairman, Vice-Chairman, Secretary and two (2) members.
Section 3. The Council of Leaders shall elect the other members of Executive Committee on their first meeting not later than one (1) month after the General Assembly.
Section 4. The Council of Leaders has the authority to appoint assistants to the Executive Officers and create line committees as the need arises to achieve the objectives, plans and programs of the association.

Article VI
Finance
Section 1. The association shall encourage voluntary contribution from members to support the funds needed for the start of the operation of the association.
Section 2. The association shall be open to donation or support from other sources provided the transaction is in good faith, transparent and no conditions that could harm the integrity of the association.

Article VII
Fiscal Year
Section 1. The Fiscal Year of the association shall start on January 1 and ends on December 31 of each year.

Article VIII
Amendments
Section 1. Proposals for the amendment of this Constitution and By-Laws must be submitted to the Council of Leaders at least one (1) month prior to the General Assembly.
Section 2. Amendments maybe be adopted by at least the majority of votes of the members present in duly constituted General Assembly.

Article IX
Ratification and Effectivity
Section 1. This Constitution and By-Laws shall take upon ratification of the majority of the members present in Founding Assembly

Adopted and ratified this 4th day of March, 2009 at Calamba City, Laguna


Certified Correct:


JESS B. DELA CRUZ
General Secretary

Attested By:



OLIVA R. OLILA
Chairperson





SUBSCRIBED AND SWORN to before me on this _________ day of March, 2009 at _______________________________________________, affiants exhibited to me their CTC No. ____________________________ issued at _______________________________ on ____________________ and CTC No. _______________________________ issued at _______________________________ on ____________________.


Notary Public


Doc. No. ___________;
Page No. ___________;
Book No. ___________;
Series of 2009.

BUOD NG POSISYON NG BMP-CALABARZON CHAPTER UKOL SA PAGBABAGO NG LABOR CODE

A) Hinggil sa Deklarasyon ng Patakaran

1) Pagtataguyod sa dignidad ng paggawa

2) Proteksyon ng paggawa laban sa mapangwasak na epekto ng globlisasyon

3) Ganap at walang-pasubaling proteksyon at garantiya sa mga batayang karapatan ng paggawa sa pribado at pampublikong sektor:

a) Karapatang mag-organisa;

b) Karapatan sa sama-samang pakikipagtawaran at negosasyon;

c) Karapatan sa mapayapang pagkilos at magwelga;

d) Karapatan sa kaseguruhan sa pagtatrabaho;

e) Karapatan sa makataong kondisyon sa trabaho;

f) Karapatan sa sahod na nakabubuhay ng pamilya;

g) Karapatan sa pantay na oportunidad sa empleyo;

h) Karapatan laban sa anumang diskriminasyon sa empleyo;

i) Karapatan sa representasyon at partisipasyon sa policy and decision making processes;

j) Karapatan sa makatarungang bahagi sa bunga ng produksyon.

B) Hinggil sa Trabaho

1) Regular na empleyo sa manggagawang gumagampan ng trabahong karaniwan, kinakailangan at tuwirang kaugnay sa arawang negosyo ng kompanya;

2) Parusang kulong na walang-piyansa sa mga kapitalistang nagsasagawa ng labor-only contracting.

3) Gawing tatlong (3) buwan lamang ang probationary period ng empleyo.

a) Gawing iligal ang contractual hiring para sa mga regular na trabaho;

b) Gawing iligal ang sub-contracting ng anumang bahagi ng proseso ng produksyon ng kompanya.

4) Mandatory Trust Fund ng mga kapitalista para sa retirement at severance benefits ng mga manggagawa.

C) Hinggil sa Karapatang Mag-unyon

1) Alisin ang opsyon na “NO UNION” sa Certification Election (CE);

2) Awtomatikong sertipikasyon ng isang lehitimong unyon bilang bargaining agent sa unorganized establishment kung walang iba pang umiiral na unyon;

3) Gawing tatlong (3) taon ang terms of representation at duration ng CBA;

4) Karapatang mag-unyon at makipagtawaran ayon sa pang-industriyang saklaw;

5) Isama sa subject sa high school at college ang labor code.

D) Hinggil sa Karapatang Mag-welga

1) Sapat na ang paghahain ng Notice of Strike at Strike Vote bilang legal na rekisito bago ang aktwal na welga;

a) Alisin ang mga preemptive anti-strike na probisyon:

(i) Cooling-off Period

(ii) Free-Ingress/Free-Egress

2) Ipagbawal ang pagkakampo ng mga pulis/militar sa loob ng kompanya at pag-e-escort sa mga iskirol at iba pang iligal na pagpasok-paglabas sa kompanya sa panahon ng welga.

3) Ipagbawal ang pagpapalit sa mga manggagawang naka-welga. Walang manggagawa ang maaaring kasuhan o matanggal sa trabaho dahil sa partisipasyon sa welga.

4) Pag-alis sa jurisdiction ng mga civil court, maliban sa Supreme Court, ang mga usaping may kaugnayan sa labor disputes, gaya ng pag-uutos ng TRO o injunction order laban sa welga.

E) Hinggil sa Sahod

1) Abolish Regional Wage Boards

2) Itayo ang Living Wage Commission na mag-aaral at magpapasya sa awtomatikong adjustment ng minimum wage.

3) Kagyat na isabatas ang P125.00 across-the-board nationwide wage increase bilang relief sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

F) Hinggil sa Assumption of Jurisdiction

1) Pawalang bisa ang kapangyarihan ng Kalihim ng DOLE na mag-issue ng AJ at return-to-work order kaugnay sa welga.

a) Ang AJ ay tuwirang labag sa karapatang mag-welga at terorismo sa kilusang paggawa.

b) Ang mga batas ukol sa proteksyon at karapatan ng paggawa ay mga palamuti at patay na letra na lamang sanhi ng AJ. Instrumento ng mga kapitalista ang AJ upang ideklarang iligal ang welga, tanggalin ang mga welgista at bawiin ang mga naipagtagumpay ng kilusang paggawa. Sapagkat gingawang inutil ang welga, nawawalan ng saysay ang karapatan at kalayaan ng manggagawa na ipagtanggol ang sarili laban sa mga unfair labor practices, abuso at paglabag ng mga kapitalista.

G) Hinggil sa mga Paglabag sa Karapatan ng Paggawa

1) Parusang kulong at multa sa mga kapitalista at management na lumabag sa karapatan ng paggawa at sa Labor Standards.Law.